top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ang kamatayan ay siyang simula Ni: Ronalyn Seminiano Reonico

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 28, 2019
1 min read

Ang kamatayan ay parte ng buhay.

Ito’y nakasulat na at parte ng talambuhay.

Hindi ito nabibilang sa magiging batayan.

Pagtungo sa kabilang mundo sa bagong kasuotan.

Ako’y lilisan sa paningin ng tao

habang patungo sa kabilang dako.

Ngunit, ako’y ako pa rin

aking mga ginawa’y ganu’n pa rin.

Sa mundo’y walang magbabago sa aking paglisan.

Ikaw at ikaw pa rin, iyong pakatandaan.

Ang buhay na aking tinahak ay ganu’n pa rin,

ang aking piniling landas ay mananatili rin.

Ang alaalang naiwan ay hindi rin magbabago.

Aking pangala’y isusulat lang sa bato.

Ang kamatayan ay hindi katapusan,

ito’y hindi dapat tangisan o iyakan.

Ang sandaling pagkawala sa paningin,

hindi nangangahulugang mawawala sa isipan.

Kabilang dako, kabilang mundo. lugar ng panibagong pagtatagpo.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page