Narinig mo 'yun, Gerald? JOSHUA, IPINAGSISIGAWANG HAPI NA SIYA AFTER NG BREAKUP NILA NI JULIA


INAMIN ni Joshua Garcia na masaya na niyang hinaharap ang bawat araw pagkatapos ng relasyon nila ni Julia Barretto, bagaman hindi ‘yun ang nakikita sa mga mata ng aktor nu’ng humarap sa grand presscon ng The Killer Bride, ang bagong teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
May kasabihan nga, ‘di ba, na: “Ang hindi nakikita sa puso ay sinasabi ng ating mga mata?” Kaya pilit inaalam ng mga manunulat kay Joshua ang totoong kalagayan niya.
“Ako po, eh, okey na okey,” ngiti ni Joshua. “Masaya na po kasi ako ngayon, eh. Kumbaga, haharapin mo siguro ‘yung araw na passionate ka sa trabaho mo. Kasi puro trabaho lang talaga ako recently. So, malalim ang isip ko sa trabaho,” pahayag ni Joshua.
Sa paghihiwalay nila ni Julia, may bago namang makakapareha si Joshua sa The Killer Bride, walang iba kundi si Janella Salvador.
“Na-excite ako, saka masaya, kasi nagkaroon ng opportunity na magkasama na kami. Ang dami na naming project na hindi natutuloy. This time, finally, matutuloy na siya. And thank you kay Lord sa blessing,” lahad ni Joshua.
Nakatulong daw ang sensuality workshop na ginawa nila ni Janella para mas maging comfortable sila sa isa’t isa.
“Actually, parang naging open kami sa isa’t isa. Kasi may mga workshops doon na parang gumawa ng timeline. So, simula sa pagkabata hanggaang sa lumaki, nagkuwentuhan lang kami. Parang, game lang kami, eh. Alam mo ‘yung ‘Game!’ Sobrang dedicated kami.”





Comments