May demonyo raw sa katawan, 10 oras iniwan sa loob ng kotse… 3yrs. old dedbol kay mommy
- Jersey Sanchez
- Jul 27, 2019
- 1 min read
HINATULAN ng habambuhay na pagkakakulong ang 25-anyos na ina matapos patayin ang tatlong taong gulang na anak.
Nabatid na sa kabila ng mainit na panahon, iniwan ni Angela Phakhin sa sasakyan nang mahigit 10 oras ang paslit para alisin ang umano’y demonyo sa katawan nito.
Pebrero 2016 nang lumipat sa California ang pamilya mula sa Arkansas at nanirahan sa naturang sasakyan.
Sasampahan din ng kaso si Untwan Smith, fiancé ni Phakhin.
Ayon sa mga prosecutor, sinabihan nila si Phakhin na dalhin sa cooling shelter ang bata pero tumanggi ito.
Nang mamatay ang paslit, sinabi nina Smith at Phakhin na sinusubukan nilang tanggalin ang demonyo sa katawan nito.
Agad hinalughog ng pulisya ang sasakyan at doon natagpuan ang bangkay ng paslit na natabunan ng kumot.





Comments