top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Makakapag-abroad at yayaman sa tulong ng kaibigan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 27, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Sa edad kong 37 nga­yon, may pag-asa pa kaya akong makarating sa ibang bansa at maka­pagtrabaho ru’n bilang katulong?

Dumating ang aking kaibigan na galing Du­bai at ilang beses na si­yang nagpapabalik-ba­lik doon, pero nitong huli, nang pumunta siya sa Dubai ay nakapag-asawa siya ng fo­reigner na may negosyo ru’n.

Sabi niya sa akin, ka­pag naikasal na sila ng boyfriend niyang fo­reigner ay kukunin daw niya ako at tutulungan niya akong makapunta ru’n para makapagtra­baho.

Tototohanin kaya ng kaibigan kong ito ang kanyang pangako na isasama niya ako sa ab­road at ihahanap niya ako ru’n ng magandang trabaho?

Sa ngayon, nagtatra­baho ako sa mga magu­lang niya na nandito sa Pi­lipinas bilang katu­long. Isinilang ako noong April 13, 1981 at Octo­ber 19, 1979 ang birth­day ng kaibigan ko.

Compatible ba kami at matutulungan kaya niya ako para maka­punta sa Dubai?

Umaasa,

Vicky ng San Vicente, Angono, Rizal

Dear Vicky,

Madalas, sa hindi ina­asahang pagkakataon, ‘yung mga kaibigan natin ang nagiging blessing sa ating buhay at minsan, ‘yung mga kaibigan natin ang hindi sinasadyang nag­­­papahamak sa atin.

Ganu’n talaga ang bu­hay dahil kadalasan, hindi mo mapipili ang kaibigan, kumbaga, sa kamag-anak kusa silang dumarating sa ating karanasan. Ang ki­naibahan lang ng kaibi­gan sa kamag-anak, ang kaibigan ay puwede mong iwasan at hindi gawing kaibigan, pero ang ka­mag-anak, kahit anong iwas mo, mananatiling kadugo at kamag-anak mo pa rin siya kahit kailan.

Samantala, nakatutu­wang isiping compatible ang birth date mong 13 o 4 (1+3=4) sa birthday ng kaibigan mo na 19 o 1 (1+9=10/ 1+0=1) kung saan kadalasan ang mga numerong uno (1, 10, 19 at 28) tulad ng kaibigan mo ay siya ngang nakaka­tulong sa mga numerong kuwatro (4, 13, 22 at 31) tulad mo, kaya siyento-porsiyento, bibigyan ka niya ng suwerte at sa ka­bilang banda, suwerte ka rin sa kanya.

‘Ika nga, sa wikang Ingles, “vice-versa” ang in­yong kapalaran – biga­yan ng suwerte at bawa­san ng kamalasan.

Hindi lang ang nume­rong uno (1) at numerong four (4) ang magkatugma, sa halip, ang zodiac sign mong Aries ay angkop na angkop din sa zodiac sign na Libra ng iyong kaibigan sapagkat ang Aries at Libra ay “complementary compatible” sa isa’t isa.

Ibig sabihin, ‘yung mga bagay na nawawala sa iyo ay maibibigay niya ha­bang ‘yung mga bagay na hinahanap niya ay sa iyo niya matatagpuan.

Kaya ngayon pa lang, pagbutihin mo na ang pag­tatrabaho sa bahay ng iyong kaibigan habang galingan mo rin ang pag-aayos ng mga papeles at pag-a-apply sa abroad.

Sapagkat, ayon sa iyong Travel Calendar, basta nag­tiwala ka sa iyong kaibi­gan, hindi ka niya paba­ba­yaan, tiyak na ang ma­gaganap - sa huling quar­ter ng taong kasalukuyan, sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre, sa edad mong 38 pata­as, matutupad na rin sa wa­kas ang iyong pangarap – sa tulong ng iyong ka­ibigan, makapag-a-abroad ka sa Dubai hanggang sa tuluy-tuloy nang umun­lad ang iyong career at kabuhayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page