top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Gusto ng live-in pero ‘di kayang buhayin ang GF

ROMA AMOR
Jul 27, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Emyll, 23 years old. Sa ngayon ay nagta­tra­baho ako sa casino bi­lang dealer, okay naman ang sahod ko, pero kina­ka­pos pa rin paminsan-minsan dahil sa hirap ng buhay. Masaya ang puso ko ngayon dahil may GF ako na mahal na mahal ko. Sa totoo lang, gusto ko na siyang makasama sa bahay, pero wala pa akong final decision dito dahil baka mahirapan kami. Ano sa tingin ninyo, dapat ko bang ituloy ang gusto ko? — Emyll

Emyll,

Alam mo, bro, malaking desisyon ang pag-aasawa, kasal ka man o live-in lang, pero isaalang-alang mo rin ang mararamdaman ng inyong mga magulang kung sakaling gagawin ninyo ‘yun. Dagdag pa rito, bago kayo magsama dapat ay may ipon kayo dahil hindi biro ang buhay. Ga­yunman, kung kaya naman ninyong dalawa dahil pareho kayong may kinikita, nasa sa inyo na ‘yan, ngunit, mas maganda pa rin kung may basbas ng Simbahan. Good luck at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page