'Di lang daw helpful sa pandinig, besh... hearing aid, epektib na panlaban sa dementia


DAHIL sa mga makabagong henerasyon at teknolohiya, hindi na maiiwasan na may ilan sa atin ang nagiging makalilimutin at humihina na ang pandinig kahit bata pa, maaaring dahil ito sa madalas na paggamit ng earphone o kaya ay sa pagpapa-party sa mga club na sobrang malalakas ang music. Pero, good news dahil ang hearing aid ay 2-in-1 pala kung saan bukod sa nakapagpapaganda ito ng pandinig ay keri rin itong panlaban sa dementia. Ows, talaga ba?
Sa pag-aaral, natuklasan ng mga researcher na ang pagsusuot ng hearing aid ay kering maka-prevent ng dementia dahil may epekto rin ito sa ating memory at thinking skills.
Gayunman, para mas mapatunayan ang pag-aaral, nagsagawa ng eksperimento na may kinalaman sa cognitive decline ang mga researcher para masubukan ang memorya ng mga participant.
Sinabihan ang mga kalahok na magkabisado ng 10 salita kung saan ire-recite nila ito pagkatapos ng session.
Pagkatapos ng session, ikinumpara ng mga siyentipiko ang kakayahan ng memorya ng mga pasyente habang may suot silang hearing aid at nalaman nilang ang hearing at vision interventions ay maaaring gumanda at may kakayahan din itong i-prevent ang mga kaso ng dementia.
Samantala, kung mapapansin natin, magkakakonekta ang mga mata, ilong, tainga at utak, ito marahil ang dahilan kung bakit nagkakaroon din ng advantages ang pagsusuot ng hearing aid para hindi tayo maging makalilimutin.
Kaya sa mga lodi natin diyan na medyo bothered na dahil kahit bata pa, eh, nagiging makalilimutin na, kumonsulta na kaagad kayo sa doktor para malaman kung ano ang mga hakbang na dapat ninyong gawin. Copy?





Comments