Bangka lumubog, 150 patay
- Jersey Sanchez
- Jul 27, 2019
- 1 min read
TODAS ang 150 katao matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa karagatan ng Al-Khums sa silangan ng Tripoli, Libya.
Ayon sa United Nations Refugee Agency, pawang migrants ang sakay ng bangka kung saan 145 sa mga ito ang nailigtas.
Kada taon, libu-libong taga-Libya ang naglalayag para lumipat ng tirahan sa anumang bahagi ng Europa.
Una rito, matatandaang, umabot sa 686 migrants ang nasawi matapos ang paglubog ng bangkang sinasakyan sa Mediterranean Sea.





Comments