top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nasa pakete ng tsaa, etc… Pinay timbog sa P3.4-M shabu sa Malaysia

  • Jersey Sanchez
  • Jul 26, 2019
  • 1 min read

NAHAHARAP sa parusang kamatayan ang Pinay na nahulihan ng 5.9 kilos ng shabu sa bahay sa Manggatal sa Sabah, Malaysia.

Ayon kay Sabah Deputy Police Commissioner Datuk Zaini Jass, naaresto sa raid ang 32-anyos na Pinay kung saan nakuha ang mga droga sa ilang bags at packages sa kusina ng naturang bahay.

Karamihan sa mga shabu ay nakatago sa mga pakete ng tsaa at may 5.4-0kilo pang nakita sa sasakyan.

Napag-alamang pag-aari ng isang hindi pa naaarestong lalaki ang droga na nagkakahalagang RM275,000 o P3.4 milyon.

Umaasa ang pulisya na agad mahuhuli ang lalaki at ang main supplier ng shabu.

Iniimbestigahan na ang Pinay sa ilalim ng Section 39B ng Dangerous Drugs Act of 1952 sa Malaysia.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page