Horoscope | Hulyo 26, 2019 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 26, 2019 (Biyernes): Marami kang mga pangarap, tutukan mo muna ang isa at saka mo isunod ang iba pa. Sa ganitong paraan, lahat ng pangarap mo ay mapasasaiyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling nagbalik ang mga araw kung kailan mataas ang antas ng iyong imahinasyon. Ang payo ay nagsasabing, gamitin mo ito para mapaunlad pa ang iyong pinagkakakitaan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-20-24-33-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Madali kang mapaniniwala sa mga magagandang salita, pero hindi ito matutupad. Pakinggan mo ang payo ng malalapit sa iyo nang sa gayun ay hindi ka maloko. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay- peach. Tips sa lotto-7-13-18-20-21-25.
GEMINI (May 21- June 20) - Nagbababala ang araw na ito na maaari kang magbago ng pasya kung saan paiba-iba ang iyong gusto. Ang payo ay nagsasabing, kung ano ang nauna mong plano, ‘yun ang tuparin mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-24-29-30-35-41.
CANCER (June 21- July 22) - Nakagugulat! Kung ano ang laman ng isip mo, ito ay magkakatotoo. Kaya huwag na huwag kang mag-iisip ng mga negatibo. Ang ilagay mo sa isip mo ay ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-11-14-27-29-30.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makikitang sobra kang napapalapit sa nasa malayo at napapalayo ang loob mo sa nasa malapit. Mas magandang balansehin mo ang iyong pagtingin sa nasa malayo at malapit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-15-20-25-30-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hihinto ang pagkilos mo na parang nawalan ka ng gana, ito ay dahil ang isip mo ay magiging sobrang abala sa mga negatibong pananaw na naglalabas-masok sa isipan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-24-28-30-35-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magtaka kapag nagbago ka ng pasya dahil likas sa iyo ang pabagu-bago ng isip. Ang nasa sa iyo ay ang hindi mo gusto ngayon, pero gusto mong makuha sa ibang panahon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-26-31-37-40-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tutukan mo ang kasalukuyang gusto mong gawin. Ang paalala ay hindi makagaganda sa iyo na ang tututukan mo ay ang iniisip mo pa lang ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-14-18-25-34-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang maniwala sa sabi-sabi. Kapag walang patunay, bawal paniwalaan. Kapag kulang sa ebidensiya, huwag mong bigyang-pansin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-19-20-21-25-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag sinabi mo, gawin mo! Kapag ginusto kahit anong mangyari, kailangang mapasaiyo. Maaaring hindi ka maniwala, pero ito ang susi ng tagumpay na nakabaon sa iyong kalamnan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-18-21-24-39-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pabagu-bago ang ihip ng hangin, pabagu-bago rin ang isip mo. Mahirap maunawaan ang katangian mong ito, pero simple lang ang kahulugan nito, kung saan ka masaya, roon ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-22-24-33-36-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hamunin mo ang pinakamahigpit mong kaaway dahil tiyak na siya ay matatalo. Ito ang nakaguhit sa kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-28-39-40-46.




Comments