top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Goodbye illegal parking!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 26, 2019
1 min read

MAY sasakyan, pero walang parking space.

Ang nangyayari, ginagamit ang kalsada na para sana sa mga nagdaraan.

Hindi lamang ito problema sa mga residen­tial area kundi maging sa mga lugar na maraming estab­lisimyento.

May mga restoran o shop na walang parking space kaya ang mga sasakyan ng customers, nakahambalang sa kalsada.

Ang matindi, ‘yung puwestong pag-aari ng gobyerno, inangkin na, pinagkaperahan pa.

Kaya tama lang na iniutos na ng gobyerno ang pagbawi sa mga public road na ito — ang paglilinis sa mga kalsada laban sa mga iligal na nakaparadang sasakyan, sidewalk vendor at iba pang sagabal at kalat sa kalye.

Ito ‘yung mga lugar na sanhi ng pagsisikip sa daloy ng mga sasakyan.

Kasunod nito ang paglalagay ng mga paskil na bawal pu­marada.

Panahon na para ibalik sa mga motorista ang kalsada at ang mga bangketa naman para sa daanan ng tao.

Hindi naman nabigo, partikular si Pangulong Rodrigo Duterte dahil may mga local government unit nang tu­mugon sa kan­yang kautusan.

May mga lumalabas na ng kanilang opisina para suyurin ang kanilang mga nasasakupan.

Kung lahat ng opisyal o kinatawan ay magsisipag nang paunti-unti, masosolb din ang mga problema sa lansangan.

Payo naman sa atin bilang mamamayan, irespeto at sundin natin ang batas na para rin sa ating kapakanan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page