'Di lang si Daniel… KATHRYN, UMAMING MAY IBANG KA-LIPS-TO-LIPS


NANG inamin ni Kathryn Bernardo na nakikipag-lips-to-lips siya sa kanyang mga alagang aso, look na lang kami sa kisame with matching dialogue ng… “Eh, di natikman na rin ng mga aso niya ang lasa ng lips ng boyfriend niyang si Daniel Padilla!” and with matching background music pa that goes… “A kiss… a kiss me in the morning…a kiss a kiss me in the night…” boom, ‘yun na!
Pero dapat ding mag-ingat si Kathryn dahil may saying na… “Ang animal ay animal ke mereseng alagang-alaga mo at mahal na mahal mo.”
Hindi lahat ay sumusunod sa saying na… “Don’t bite the hands that feed you,” ‘noh?
For example na lang, si friendship Jobert Sucaldito, if we remember right, birthday niya nu’n at karga-karga ang mahal niyang aso at hinahalik-halikan sa labi pa, ha, but boom zzziiboom, bigla siyang kinagat na ewan kung sa lips, basta sa parteng mukha ni Jobert.
Minsan kasi, ang hayop ay naiimbiyerna rin or siguro, ‘yung aso, nadiyahe sa amin… nadiyahe raw, oh? Charrrr! Insert smiley, J!
Kaya ingat lang paminsan-minsan, Kathryn. Hindi lahat ng aso ay nasa mood makipag-L-to-L, as in lips-to-lips. Buti na lang, hindi pinagseselosan ni Daniel ang kanyang mga aso and vice-versa, ‘di ba, ‘di baaaa? Tsuk and more tsuk!





Comments