Derek, tagilid… KRIS AT EMPOY, MAGSASAMA SA MOVIE

Nitz Miralles / BIDA

May update si Kris Aquino sa 2019 MMFF entry ng Quantum Films na (K)Ampon. Gagawin na niya ang horror film at patunay dito ang post niyang… “I start shooting (K)Ampon in a couple of weeks.”
Kaya siya nagpa-brow rejuvenation at nagpalagay ng natural volume lashes bilang paghahanda dahil magiging busy na siya sa shooting.
Nabalita kasing baka hindi magawa ni Kris ang MMFF entry dahil sa health problems at kailangan niyang magpaalam sa kanyang mga doktor. Obviously, pinayagan siya, kaya tuloy na may Kris entry sa 2019 MMFF.
Ang hindi pa nababalita ay kung si Derek Ramsay pa rin ang makakasama ni Kris sa (K)Ampon dahil hectic ang schedule ng aktor. May taping ito ng The Better Woman, naglalaro pa ng basketball at sumasali pa sa Frisbee competition.
Hindi lang para sa pelikula ang pagpapaayos ni Kris ng eyebrows kundi dahil din sa TVC shoot nila ni Empoy ng bago nilang endorsement na sandwich spread.
At mukhang hindi lang sa TVC sila magkakasama dahil nabanggit ni Kris na may isinulat siyang storyline ng movie na ipinakita niya sa manager nilang si Erick Raymundo at kay Jeff Vadillo ng Cornerstone kung saan pareho silang talents.
Nagustuhan ni Kris si Empoy sa movie nila ni Alessandra de Rossi na Kita-Kita nang muli niya itong pinanood sa Netflix. Kaya expect a movie from Kris and Empoy.
Samantala, nilinaw ni Kris na, “(I’m) Still endorsing Ariel. And endorsing Lady’s Choice. 2 very different categories. No issues,” kaya mali ang tsikang pinalitan na siya ni Lea Salonga.
Magkaibang variant ng detergent powder brand ang ini-endorse ng dalawa.





Comments