Bagay na bagay daw na superhero sa lakas ng dating… LIZA, IKINUMPARA SI JANE KAY GAL GADOT NG WONDER
- BULGAR

- Jul 26, 2019
- 2 min read

DUMATING na nga si Liza Soberano sa bansa mula sa matagumpay na dalawang operasyon sa kanyang daliri sa USA. Dalawang buwan at kalahati ring nawala ang aktres although madalas naman siyang magbigay ng update habang nandu’n, pati na rin ang manager niyang si Ogie Diaz.
Sumalang na nga agad si Liza sa kanyang first interview kay Ogie na mapapanood sa YouTube vlog nito. Dito ay makikitang naka-cast pa ang right hand ng aktres at aniya ay kailangan pa rin daw ng therapy dito sa ‘Pinas.
“No more pain. I mean, hindi lang siya parang dati pero it’s better than not having a finger at all,” pahayag ni Liza.
Siyempre pa, napag-usapan nila ang bagong Darna na si Jane de Leon at kuwento ni Liza, unang kita pa lang niya rito sa larawan after the announcement ay naramdaman na niya agad ang superhero aura nito.
Tulad daw nang nakita niya si Gal Gadot sa trailer ng Wonder Woman, ganu’n din ang naramdaman niya kay Jane.
“Sabi ko, ‘Oh, my gosh, she’s meant to be a superhero.’ Tapos, ‘yung mukha niya, maganda talaga siya, as in parang innocent pero may sense of strength,” sabi pa ni Liza about Jane.
Ayon pa sa aktres, in-invite niya si Jane for dinner kung available ito.
“I asked her for dinner kung available pa siya. I’m sure busy na siya training, workshop. Kasi, when I was still doing that, sobrang busy ko sa training and workshop, so I’m sure, siya rin. Sana, magkaroon siya ng time ‘coz I wanna meet her in person and gusto ko lang siyang i-comfort.
“Kasi, I know it’s really hard, sobrang pressure ‘yun para sa kanya, especially bago siya. So probably, she doesn’t know how it works yet,” pahayag pa ni Liza.
When asked kung ano na ang “next” sa kanya, may teleserye raw silang gagawin ng boyfriend at ka-love team na si Enrique Gil at sobrang excited na siya dahil maganda raw ang materyal.
“Actually, bago pa man ako umalis, I was already preparing for a teleserye with Enrique. We were taking up language classes. Si Quen, mayroon din siyang ibang workshops na ginawa while I was in the US. Kasi nauna ako sa US, sumunod lang siya.”
Romantic-comedy daw ang series pero hindi pa niya alam ang title at excited na siyang gawin ito.
“We’re going to be shooting in 2 different locations na hindi pa namin napupuntahan. ‘Yung isa ang hindi pa namin napuntahan ever here in the Philippines. And then, there will be another place na hindi ko pa puwedeng sabihin.
“Also, magkakaroon kami ng bagong hobby. I think, meron kaming inaaral ngayon na gawin, I can’t say it yet. The story actually revolves around that. So, we have to learn how to do that certain thing,” sey pa ng aktres.





Comments