top of page
Pokwang.jpg

8 minero timbog sa illegal mining

Pabs Hernandez III
Jul 26, 2019
1 min read

SOUTH COTABATO—Walong minero ang inaresto ng mga awtoridad nang mahuli sa aktong nagsasagawa ng illegal mining kamakalawa sa Bgy. Kematu, T’boli.

Kinilala ang mga suspek na sina Awek Calibay, Jovar Calim, Rolly Angay, Galo Bawela, Jomel Layag, Benjo Calim, Ariel Sama at Toto Benito, pawang minero sa nasabing lugar.

Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga kagamitan sa illegal mining at isang sako ng mineral ore sa pag-iingat ng mga suspek.

Nakapiit na ang mga suspek na pawang sinampahan na ng kasong may kaugnayan sa illegal mining.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page