top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Ganu’n pala ‘yun, besh... NANAGINIP NG MALALAKING BAYABAS, KULANG SA HAROT

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 25, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Ara ng Ara_Unice @facebook.com

Dear Professor, Ano ang kahulugan ng panaginip na pumunta raw ako sa mataas na hagdan, tapos, sabi ng kaibigan ko ay huwag daw akong dumaan du’n? Ang pangalawa kong panaginip ay tubig, tapos, wala akong tsinelas dahil parang baha sa panaginip ko. Ang kaibigan ko dati na kaaway ko na ngayon ay nakita ko. Sa pangatlong panaginip ko, nakita ko ang anak ko, dala-dala niya ang malalaking bayabas. Sana, masagot ninyo kung ano ang kahulugan ng mga ito. Salamat!

Naghihintay, Ara

Sa iyo Ara,

Ang unang panaginip ay nagsasabing, ituloy mo ang pangarap mo kahit ngayon ay parang nag-aalinlangan ka na ayon sa iyo ay baka hindi rin naman magkaroon ng katuparan ang gusto mo. Huwag kang mag-alala dahil ang lahat ng taong nakapanaginip ng hagdan ay matutupad ang mga pangarap.

Ang ikalawang panaginip mo ay nagsasabing, very lonely ka sa buhay-pag-ibig. Ayon din sa panaginip mo ay wish na wish mo ng magkaroon nang wagas at dalisay na love life ngayon, pero ipinagdaramot ito sa iyo ng kapalaran.

Huwag kang mag-alala dahil ang mga nakapanaginip ng tubig ay nagkakaroon ng tunay at ganap na kaligayahan, hindi man ngayon, pero tiyak na mangyayari ito sa hinaharap.

Ang ikatlong panaginip ay nagsasabing, kulang na kulang ka sa harot at biro. Maaaring may harot ka rin at biro, pero peke lang, as in, kunwari ka lang na masaya kapag ginagawa mo ito.

Huwag kang mag-alala, ang nakakatuwa at masayang balita ayon sa iyong panaginip ay haharutin at bibiruin ka ng tao. Kaya, huwag na huwag mong kalilimutan na harot at biro lang ang sagot sa iyong mga kahilingan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page