top of page

Call center agent, sekyu, GR, etc., read n‘yo ‘to... SURVIVAL TIPS PARA SA MGA NIGHT SHIFT

  • Justine Daguno
  • Jul 25, 2019
  • 2 min read

“WILLING ka bang magpuyat para sa tra­ba­ho?”

Kasama sa struggle ng bawat empleyado ang pagkakaroon ng deman­ding na schedule, ‘yung tipong kailangan mong gumising nang maaga kahit late ka nang natu­log, kaloka!

Well, paano pa kaya ‘yung mga beshy nating “tulog sa umaga at gising sa gabi?”. Hmmm… anuman ang pinagkaka-busy-han ninyo, ‘wag kayong mag-alala dahil narito ang ilang survival tips para sa mga empleyadong may night shift schedule:

1. MAGKAROON NG KOMPORTA­BLENG MATUTULU­GAN. Una sa lahat, dito tayo dapat mag-invest, ito ang magsisilbing “charger” natin sa pagkaka­ta­ong nalo-low­bat na tayo. Siguraduhing may sapat na bentilasyon at pa­tayin ang ilaw sa lugar na tutulugan. Makatutulong ito upang ma­daling makapag-adjust ang katawan at mag­karoon nang mahimbing na tulog.

2. HUWAG UMINOM NG ALAK PAGKATA­POS NG SHIFT. Kung iniisip ninyong madali ka­yong makatutulog kapag nakainom ng alak, mali ‘yun sapagkat makasisira ito ng sistema sa pagtulog ng indi­bid­wal, partikular sa mga may night shift schedule. Hin­­­­di bawal ang magwalwal, si­guraduhin lang na walang pasok kinabukasan, ganern!

3. MAGKAROON NG PANAHON SA PA­MILYA AT MGA KAI­BIGAN. Ito ay­ naaangkop, anuman ang schedule ng empleyado. Tandaan, gaanu­man ka-busy sa trabaho, ‘wag kalimutang magkaroon ng ‘bonding moments’ ka­sama ang mga mahal natin sa buhay. Ito ang pagkakataon kung saan pansamantala tayong makahihinga sa tra­baho at magkaroon ng moti­basyon para magpatuloy pa sa ating ginagawa.

4. MAGING RES­PONSABLE SA PAG­KAIN. Karamihan sa atin ay bumabawi sa pagkain dahil ang tingin natin, ‘reward’ ito pagkatapos ng stressful na trabaho. Ayon sa research, ang pagiging iresponsable sa pagkain ng mga emple­ya­dong nagtatrabaho sa gabi, kadalasan ay nauuwi sa ‘stress eating’, ang masaklap pa, maaari itong mauwi sa depresyon. Puwedeng ku­main, pero siguraduhing nasa tamang oras o sakto lang ang kakainin.

5. HUWAG MA­GING TOXIC. Karamihan sa mga panggabi o night shift worker ay iritable o mainitin ang ulo. Marahil, dahil ito sa adjustment na ginagawa nila kung saan gising sila habang natutulog na ang lahat, pero hindi ito dahilan para ma­ging demanding o OA sa pa­giging maarte. Bawat isa ay may kani-kanyang ‘struggle’, kaya huwag toxic at dapat may konsiderasyon tayo para iwas-trouble na rin, oki­doki?

Walang madaling tra­baho, lahat may advantages at disadvantages — day ­shift, night shift o rotating schedule man tayo. Ba­ga­ma’t, mahirap, keri lang ‘yan para sa ekonomiya at iba pang dahilan ninyo.

Pero, tandaan, kalusugan at ika­bubuti ng ating sarili ang dapat nating iprayori­dad, sabi nga nila, ‘wag mong pa­tayin ang sarili mo para ma­buhay.

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page