top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ayon sa birthday at zodiac sign... RELASYONG PANG-FOREVER KAHIT MAGKA-LIVE-IN LANG

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 25, 2019
2 min read

Dear Maestro,

July 15, 1994 ang birthday ko at November 4, 1990 naman ang birthday ng ka-live-in ko sa kasalukuyan. Itatanong ko lang kung siya na kaya ang makakasama ko, habambuhay? Sa pagkakaalam ko ay “taong sais” (6) ako sa destiny number na 9, tama ba ako?

Ano kayang business ang bagay sa akin? Sa ngayon ay balak kong mag-apply para makapag-work sa fastfood chains. HRM kasi ang natapos kong kurso.

Makaka­pasok kaya ako? Itatanong ko na rin kung makapag-a-abroad ba ako? Kung makapag-a-abroad ako, kailan kaya ito mangyayari?

Umaasa,

Sandara ng Olivete, Bongabon, Nueva Ecija

Dear Sandara,

Tama ang pag-aanalisa mo sa sarili mong mga datos, Sandara, kung saan ikaw ay may birth date na 6 (ang 15 ay 1+5=6) sa destiny number na 9 (7+6+1994=2007/ 20+07= 27/ 2+7=9) sa zodiac sign na Cancer.

Samantala, ang ka-live-in mo ay taong four (4) sa destiny number na 7 (11+4+1990=2005/ 20+05=25/ 2+5=7) sa zodiac sign na Scorpio. Ibig sabihin, sadyang compatible kayo ng ka-live-in part­ner mo dahil kapwa kayo pina­ngingibabawan ng water type signs na Cancer at Scorpio. Gayundin, ang destiny number na 7 ng ka-live-in mo at ang birth date niyang 4 ay tugma sa zodiac sign mong Cancer.

Habang ang destiny number mong 9 ang siya namang numero ng ruling planet na Mars na nangingibabaw sa zodiac sign na Scorpio ng boyfriend mo at dahil 9 ang numero ng planetang Mars, puwede na ring sabihing tugma ito sa birth date mong 6 dahil ang numerong 9, 6 at 3 ay kapwa sakop ng tinatawag na numerong series of 3, 6 at 9.

Kaya sa tanong mo na magtatagal ba kayo ng ka-live-in mo o magiging panghabambuhay na ba ang inyong pagsa­sama? Positibo ang tugon, uusad nang uusad ang kumpol na taon at mahabang panahon, mananatiling buo ang inyong relasyon at mainit ang inyong pagmamahalan.

Ayon naman sa zodiac sign mong Cancer, mapalad ka sa lahat ng produktong may kaugnayan sa tubig, halaman o berdeng kulay at sa lahat ng kalakal o produkto na nakukuha sa tubig. Habang ang birth date mong 6 ay nagsasabing, ma­palad ka rin sa mga kalakal na may kaugnayan sa pagkain at sa lahat ng kalakal na tinitimpla at malasa, gayundin sa lahat ng produktong pampaganda tulad ng pabango at mga halamang pangdekorasyon.

Hinggil naman sa itinatanong mong balak mong pumasok muna o magtrabaho sa mga fastfood chain, positibo ang tu­­gon dahil ang nasabing mga kumpanya ay may kaugnayan sa pagkain kaya sa nasabing propesyon o hanapbuhay, may tsansa na ikaw ay palarin at umunlad.

Ayon sa Decadens ng Kapalaran, anuman ang kongkretong pinaplano mo sa buhay ngayon, tiyak ang magaganap, ang lahat ng ito ay magsisimula at isa-isang matutupad sa taong 2021, sa edad mong 27 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page