Pamba-bash ng kampo ni Bea dahil kay Gerald, 'di kinaya… MARJORIE AT JULIA, PAREHONG BABU SA IG
- BULGAR

- Jul 24, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

PAREHONG disabled na ang Instagram (IG) account nina Marjorie at Julia Barretto na good decision dahil iwas sa bashers at pati na rin sa mga sumasawsaw sa isyu. Kaya lang, hindi na rin nababasa ng mag-ina ang mga comments ng mga netizens na kampi sa kanilang dalawa.
Anyway, ipinagtanggol ni Dani Barretto si Julia at sabi nito, “Nag-usap lang sa party at may chismosang nag-decide mag-picture, cheating na agad? Bawal mag-‘Hi’ sa isa’t isa? Bawal magkumustahan? Cheating na agad ‘yun? They worked together! Of course, they’re friends! PATI ‘YUN, BAWAL NA RIN?”
May sumagot sa tweet ni Dani at ang sabi, ang claim ng naglabas ng picture nina Julia at Gerald Anderson ay kuha ang litrato after the party at sa labas ng Upper House Bar sa BGC. Bukod dito, sa isang car pa raw sumakay ang dalawa.
May sagot si Dani sa comment ng netizen at aniya, “Of course she will say that!!! Her photos can’t back up her allegations! Have you seen the photos? There is nothing wrong with them. It’s just two people talking. What is wrong about that?!”
Anyway, ang user na nag-upload ng photos ay balik-IG na, pero deleted na ang mga naunang posts at dalawang litrato na lang nito ang natira na obviously ay bago.





Comments