top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Medical at dental mission, job fair, birth at marriage certificates etc., nasa barangay na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24, 2019
  • 2 min read

KABILANG sa three priority programs ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang caravan. Sa proyektong ito, ang mga serbisyo mula sa gobyerno tulad ng health and wellness, livelihood and employment at iba pa ay ibinababa sa mga urban poor community.

Tanong: Nabalitaan kong nagsagawa kayo ng caravan noong July 12 sa Baras, Rizal. Gusto ko rin sanang maka-avail ng mga serbisyong ipinaaabot ninyo sa iba’t ibang barangay, maaari ba ‘yun? Maraming salamat! — Marites

Sagot

Kung gusto ninyong maka-avail ng mga programa ng PCUP, magtungo lang kayo sa mga barangay na malapit sa inyo na mahahagip ng isinasagawang caravan ng ahensiya.

Bukas ito sa lahat ng gustong pumunta kaya kung mayroong caravan na malapit sa inyong lugar, huwag kayong mag-alinlangan at sunggaban natin ang oportunidad.

Sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor at ahensiya ng gobyerno pati na rin ang ilang pribadong kumpanya, inaasahang maipaaabot ng ahensiya ang tulong nito tulad ng libreng konsulta sa medical at dental mission. May job fair din sa naghahanap ng trabaho. Ilalapit din natin ang serbisyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Local Civil Registry sa pag-aasikaso ng birth, marriage, CENOMAR at death certificates.

Samantala, magbibigay din ng scholarship ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga Tech-Voc program nito na may libreng masahe, gupit, manicure at pedicure. Kasama rin ang Land Transportation Office (LTO) at ang kanilang e-mobile patrol para ibaba ang registration at renewal ng student permit. Ang legal consultation din ay libreng-libre na matatamasa ng mga residente mula sa Public Attorney’s Office (PAO).

Gayunman, upang mabigyan ng kaalaman ang mamamayan hinggil sa mga livelihood at business, naroon ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa orientation, gayundin, mayroong help desk doon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na puwedeng mapagtanungan tungkol sa mga problema at interes na may kinalaman sa mga OFW. Kaugnay nito, naka-schedule na ang halos 50 caravans sa bansa at noong Hulyo 18, inabangan natin ito sa Maasin, Southern Leyte. Para sa rekomendasyon kung saan gaganapin ang caravan, maaari kayong magpadala ng sulat sa PCUP.

Kung kayo ay mayroong katanungan, suhestiyon o ihihingi ng tulong, maaari kayong magtungo o sumulat sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City o mag-email sa pcup.media2019@gmail.com o mag-message sa ating Facebook page na @PCUPOfficial.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page