top of page

Beerhouse, bar, club, iba pang inuman, 12 midnight lang — P-Digong | CURFEW SA TOMADOR

  • Mylene Alfonso
  • Jul 24, 2019
  • 1 min read

NILINAW ni Pangulong Rodrigo Durterte na hindi siya mag-iisyu ng Executive Order para pormal na ipag-utos ang liquor ban at curfew sa mga nag-o-operate tuwing gabi tulad ng night clubs.

Matatandaang, binanggit ito ni Pangulong Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) kung saan inihambing niya ang sitwasyon sa Davao City na tahimik na umano pagsapit ng alas-12:00 ng hatinggabi dahil nagsasara na ang business establishment.

Sa press conference matapos ang kanyang SONA, sinabi ni Pangulong Duterte na ideya lang ito na kan­yang inihayag.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maganda ang magagawa nito lalo na sa kalusugan ng mga Pilipinong mahilig uminom pero, alam din umano ng pangulo na may epekto ito sa interest ng mga ne­gosyo. Kaya ipinauubaya na niya sa kamay ng mga mam­babatas ang desisyon kung gagawa ito ng batas na nag-uutos para rito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page