19 PLAYERS NG GILAS, ABSENT PA SA PRAKTIS


KAPAG sumapit na sa semifinals stage ang 2019 PBA Commissioner’s Cup, naniniwala si Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao na mas maraming manlalarong kabilang sa pool ang makapage-ensayo bilang preparasyon nila sa FIBA World Cup. Nauunawaan ni Guiao ang nangyayari na hindi pagsipot ng ilan sa 19 na mga manlalarong kabilang sa pool dahil krusyal ang nagaganap ngayong quarterfinals ng second conference.
“I can’t blame them. I know they have responsibilities with their mother clubs. Mahirap talagang maghati ng attention, especially at this crucial stage. We’ll just have to manage whatever opportunities we have,” pahayag ni Guiao matapos na 10 players lang ang dumating at 9 lang ang nag-ensayo sa Gilas noong Lunes ng gabi. “They cannot focus a hundred percent on what we’re doing because it’s the crucial phase of the playoffs,” wika pa ni Guiao. (VA)





Comments