RIDER DEDBOL SA TAXI
- Pabs Hernandez III
- Jul 23, 2019
- 1 min read
BAGUIO CITY—Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng taksi ang kinalululanan nitong motorsiklo, kamakalawa sa Lower Magsaysay Avenue.
Kinilala ang biktima na si Eugene Pawid, residente ng Bgy. Leseb, Bauko, Mountain Province.
Ayon sa ulat, bigla umanong sumulpot sa pakurbadang kalsada ang motorsiklong kinalululanan ni Pawid kaya aksidenteng nabangga ito ng taksing minamaneho ni Armando Yamos, residente ng La Trinidad, Benguet.
Nabatid na sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Yamos.





Comments