top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

MIGHTY SPORTS PHILIPPINES, CHAMP SA JONES CUP TAIWAN

Alvin Olivar
Jul 23, 2019
1 min read

PORMAL na nakuha ng Mighty Sports Philippines ang korona sa 2019 William Jones Cup matapos ang kanilang panalo laban sa Chinese Taipei White, 81-71, noong Linggo ng gabi sa Xinzhuang Gymnasium sa New Taipei City.

Sa hindi paglaro ni Renaldo Balkman ay nanguna si Eugene Phelps sa atake ng Mighty Sports pagkaraang tumapos ng 24 points at 13 rebounds para sa koponan. Gumawa ng 16 points si McKenzie Moore habang 11 points ang itinala ni Joseph Yeo.

Nanalo naman ng Most Valuable Player si Balkman pagkaraang dalhin ang Mighty Sports sa korona sa pag-sweep ng kanilang walong laro.

Ito ang pangalawang korona ng Mighty Sports sa kompetisyon matapos makopo ang korona noong 2016.

Sa pagkuha ng korona ay tinalo ng Mighty Sports ang Iran U23, 98-72; Jordan, 90-74; Japan, 94-59; University of British Columbia Thunderbirds, 116-87; South Korea, 89-82; at Indonesia, 94-66.

Nakuha na ng Mighty Sports ang korona noong Sabado sa kanilang pagtalo sa Chinese Taipei Blue, 97-74, bago ma-sweep ang kompetisyon kontra Chinese-Taipei White.

Ang koponan ay pinamunuan nina head coach Charles Tiu at assistant coach Rajko Toroman na dating coach ng orihinal na Smart Gilas national team isang dekada na rin ang nakalipas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page