Ebidensiya, lumabas na, Bea… PIKTYUR NINA JULIA AT GERALD NA MAGKASAMA, KALAT NA!
- BULGAR

- Jul 23, 2019
- 2 min read

KONTROBERSIYAL at talk of the town ngayon ang Instagram post ni Bea Alonzo last Sunday night na nagpainit ng espekulasyong hiwalay na naman sila ni Gerald Anderson at mukhang may third party involved.
“You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice.’ ENOUGH,” ang caption ni Bea sa black screen na ipinost niya.
Malaman din ang quotation na ipinost ni Bea sa kanyang Instagram Story na: “Something I learned about people. . . If they do it once, they’ll do it again.”
Halos kasabay ng post na ito ay ang larawang ipinost sa Instagram ng isang fan ni Bea na may handle name na @cabrera.kath.
Sa nasabing larawan ay makikita sina Gerald at Julia Barretto na magkasama although magkalayo naman. Tila kuha ang photo sa birthday party ni Rayver Cruz kung saan ay dumalo ang mga ito. Sa caption ay pinaghihinalaan niyang may relasyon ang dalawa.
Hindi na ma-access ngayon ang nasabing IG account pero marami naman ang nakakuha na ng screenshot kung saan ay kinokondena niya ang diumano’y panloloko ni Gerald kay Bea.
“Para sa lahat ng nagsasabi na nagsisinungaling ako and naninira lang, NOPE. I’m not lying. And ano makukuha ko ru’n? There you go! ‘Yan na lang ipakita ko.
“Hindi lang keme friends dahil b-day ni Rayver. Hello. They went on the same car together alone and iba gestures nila. Tinatago man, halata pa rin, OKAY. I don’t like to assume or judge, pero kawawa kasi and sobrang manloloko.
“I already sent a message to Bea. Clearly, we don’t know all the details kung ano man nangyayari in their real personal life. Pero one thing is for sure, HE DOESN’T DESERVE BEA ALONZO!
“After everything ginawa niya. Minahal and hindi siya jinudge sa past niya sa ginawa niya sa mag-best friend (Kim and Maja). Minahal niya pa rin even nu’ng nagka-movie sila ni Pia.
“Niloko niya pero pinatawad at mas lalo niya pa ring minahal. She even organized a surprise birthday party for him, nakakaloka!
“Ano lahat na lang ba ng leading lady niya, lalandiiin niya or dyo-jowain niya? Ganu’n ba ‘yun? Sabi nga nila, ‘Once a cheater always a cheater.’
“I adore and love Bea so much. I hope masakit man o mahirap, sana hiwalayan niya na nang tuluyan si Gerald.
“With regards to Julia B., kung ano man reason niya, selfcare, selflove, keme best friends sila ng ex niya, bahala siya. I don’t care. Basta we are here for Bea. We love her and she deserves better #beaalonzo #geraldanderson.
“Edit: She liked my photo and posted a confirmation ‘ENOUGH’” ang mahabang caption ng fan na makikitang ni-like ni Bea.
Matatandaang nagsimulang ma-link sina Julia at Gerald matapos gawin ang pelikulang Between Maybes na ipinalabas last May 15. At kamakailan lamang, the young actress revealed na mag-best friends na lang sila ni Joshua Garcia and denied na si Gerald ang dahilan.





Comments