top of page
Robin Padilla - Senate PH 2.jpg
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | May 20, 2026



WINNER - COCO, ‘NANAY’ ANG TAWAG KAY JULIA-IG _cocomartin_ph

Photo: IG _cocomartin_ph



Ibinulgar na nina Coco Martin at Julia Montes ang kanilang tambalan sa tunay na buhay. 

Idinetalye ni Coco kung paano siya unang na-in love kay Julia.


Sa eksklusibong panayam para sa kanilang sariling produksiyon, ang CCM Productions, ikinuwento nina Coco at Julia ang matagal na nilang partnership sa likod at harap ng kamera.


Ang unang show daw na pinagsamahan nila ni Julia ay ang Pangarap Kong Jackpot (PKJ). Sobrang batambata pa raw ng aktres that time.


Nagkasama sila ulit sa seryeng Ligaw na Bulaklak pero hindi sila nagkaeksena. Hanggang sa nagkita sila ulit sa party ng mga shows ng Dreamscape Entertainment. Nasa Mara Clara si Julia at sa Minsan Lang Kita Iibigin naman ang show ni Coco under Dreamscape. 


Dito na nagulat si Coco kay Julia na isa nang ganap na dalaga. Naglaho raw ang pagka-crush ng aktor kay Julia dahil feeling niya, naging party girl na ang aktres.


Hanggang sa ini-request na ni Coco sa yumaong executive ng Dreamscape na si Deo Endrinal na maging kapareha si Julia Montes sa Walang Hanggan (WH).


Simula noon ay naging magkarelasyon na raw sina Coco at Julia at 15 years ago na ‘yun. 

Ang sikreto raw ng kanilang relasyon ay naging pribado sila sa kanilang personal life, especially sa love life nila.


“Sabi ko nga, kung anuman ‘yung ikinukuwento namin, kasi past na. Masarap na lang balikan. And then, ngayon talaga as a partner, talagang ano kami, team.

“Talagang nagsusuportahan kami, nagtutulungan kami. Ngayon naman sa amin, ganu’n din. In all aspects, talagang si Juls ang nag-aalaga sa akin.


“Mula paggising hanggang sa pag-uwi ko, sa lahat ng kakainin ko, sa lahat ng isusuot ko, s’ya talaga lahat. Kaya masarap ‘yung partnership namin. Higit pa sa pagkakaibigan, magkarelasyon, business partners, talagang pinagtibay namin ang relasyon namin,” paglalahad ni Coco.


As business partners, tulungan din daw talaga sila, gaya na lang sa bagong serye nila na Sigabo. Si Coco na raw ang bahala sa creatives at si Julia sa finance.


Tsika pa ni Coco, “Ang maganda sa amin, tulungan talaga. Kung saan kailangan ng alalay ng isa, du’n talaga sumusuporta ang bawat isa. So more than a partner, talagang mas partner in life ‘yung nangyayari sa amin.”


Kuwento pa niya, “Minsan nga, ‘pag nag-uusap kami, honestly, minsan umaabot kami sa pagkakataon na magkasama kami. Sa sobrang aga naming dumating sa mga meetings, nandu’n kami sa kotse.


“Mga one hour before, minsan, nandu’n na kami sa location, naghihintay na kami sa ka-meeting namin. Nandu’n kami sa kotse namin natutulog.


“Sinabi namin sa sarili namin, ‘Nanay, kailangan pa ba natin ‘tong gawin?’

“Kumbaga, sa dami ng ginagawa namin sa pag-aartista, sa production, sa pagpo-produce, kailangan pa rin naming asikasuhin ‘yung small business namin.


“And then, wala naman kaming ibang makakatulong kundi kaming dalawa.”

Para kay Coco, kailangan daw talagang magtiyaga dahil wala raw nagtagumpay kapag hindi mo ito ginawa.


“And then, bilang partner talaga, ang masarap sa amin, ako, lagi kong sinasabi sa kanya, every time na umuuwi kami, napakasarap ng pakiramdam na kami ‘yung magkasama na lumalaban sa buhay,” saad pa ni Coco Martin.

‘Yun na!





Isa pang BFF ni Bea… BEA SAW, NAGPUNTA RIN SA SPAIN BUKOD KAY DIMPLES



TULAD ni Dimples Romana, nagpunta rin sa Spain ang isa pang kaibigan ni Bea Alonzo na si Bea Saw.


Sina Dimples at Bea ang huling kasama ni Bea na kumalat sa socmed (social media) bago ang inaasahang wedding nila ni Vincent Co noong May 14.

Dahil parehong nasa Spain sina Dimples at Bea, pinagdudahan ng netizen na kasama nila si Bea Alonzo.


Aniya, “I wish you were with Bea and Dimples. Love the 3 of you.”


Bukod sa Spain, may picture si Dimples sa Iseltwald, Switzerland na ipinost niya sa kanyang Instagram (IG). That was the spot sa eksena sa Koreanovela na Crash Landing on You (CLOY). Same spot din ang picture ni Bea Saw na ipinost niya.

Samantala, may fan si Bea Alonzo na nag-post ng picture niya na nakasuot ng wedding gown sa IG.


Say ng faney, “It’s been years since I last featured Bea Alonzo in this IG blog of mine. And by next year, it will have been 10 years since I first publicly fangirled over her via A Love to Last. With all the rumors swirling about what was supposed to have been her real-life wedding, all I can say is this: She deserves that one great love. Whether that great love is that guy and there are just some things that need fixing between the two of them or her destiny is with someone else, someday we’ll see her this radiant, this beautiful, this happy. And when that day comes, it will be for real and it will last #beaalonzo.”


Agree…


 
 

ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 08, 2021



Kung may ipinagmamalaking "Lola’s Menudo" si Marian Rivera-Dantes na punumpuno ng sahog at sobrang nakakatakam na sarsa, may pantapat naman si Bea Alonzo.


Sa latest vlog niya sa kanyang YouTube channel na in-upload noong September 4, ibinahagi niya sa kanyang mga followers ang recipe ng kanyang "Lola’s Osso Buco Caldereta".


Caption ni Bea, “I’m sharing with you another cooking video on my channel!! MY LOLA’S OSSO BUCO CALDERETA recipe!! This is one dish that my friends always request for me to do, so sana, magawa n'yo rin sa inyong bahay. Share your thoughts and suggestions in the comments section. #BeaAlonzo #ByBea #LifeIsBEAutiful #cooking.”


Puring-puri nga ng mga netizens si Bea habang nagluluto ng caldereta na ipinamana ng kanyang lola. Talaga namang katakam-takam ito at palagi raw kasama tuwing may okasyon sa pamilya. Lalo na 'pag Pasko at Bagong Taon, hinahanap-hanap daw ng mga kaibigan niya ang napakasarap at masarsang caldereta.


At may nag-comment na bagay talaga na magkaroon siya ng talk show sa GMA-7 dahil para siyang si Kris Aquino na ang sosyal magsalita, na hopefully i-consider talaga ng network.


May isa namang nag-comment ng, “Grabe, ang tat*nga ng mga lalaking pinakawalan si Bea. At ang suwerte ni Dominic, hays, sana sila naaaa… I will be the happiest.”


Anyway, looking forward talaga sina Bea at Dominic Roque na makabisita sa bahay nina Marian at Dingdong Dantes, na matatandaan na personal ngang inimbita ni Kapuso Primetime Queen ang premyado at bagong Kapuso actress sa isang online chikahan.


Kuwento naman ni Bea nang mag-guest sa GMA Pinoy TV Fun Con, “Doon lang talaga kami nagkaroon ng time na mag-chikahan. Because before, nakatrabaho ko rin si Dingdong sa She’s the One, pero hindi ko talaga nakasama si Marian, during our premiere night lang.”


Pahayag pa ni Bea sa mag-asawa na nagpakita ng suporta sa pamamagitan ng video greeting, “I’m happy kasi ganyan sila ka-warm mag-welcome and I’m so looking forward to working with them and having them as my friends.”


Instagram friends na nga ngayon sina Bea at Marian, at panay na ang palitan nila ng mga private messages.


Anyway, excited na talaga si Bea na matikman nila ni Dominic ang ipinagmamalaking menudo ni Marian at dahil request nga ng huli na magdala rin siya ng kanyang iniluluto.


“Gusto ko ring magluto ng caldereta ng lola ko at iba pang putahe para sa bahay nila,” ani Bea.


Imagine, 'pag pinagsama ang masasarap na menudo at caldereta nina Yan at Bea na sabi nga ay sarsa pa lang, ulam na, for sure ay mabubundat sina Dong at Dom.


Matuloy na sana ito ngayong September, para sa birthday naman ni Bea sa October 17, sina Dong at Yan naman ang dadayo sa bahay ng labs ni Dom.

 
 

ANG MGA KUMIKITA SA FAKE NEWS.


ni Julie Bonifacio - @Winner | July 08, 2021



Pinalagan ni Vice Ganda ang balitang kumalat sa social media na nagpatutsada siya kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa paglipat sa GMA-7.


Ini-retweet ng It’s Showtime host ang isang post sa socmed na may ganitong titulo: “#ViceGanda #JohnLloydCruz #BeaAlonzo, Vice Ganda Has This ‘Patutsada’ Against John Lloyd Cruz, Bea Alonzo?”


Sa caption na inilagay ni Vice sa kanyang tweet ay mapi-feel ang pagkadismaya ng TV host/comedian sa kumalat na tsika.


“Kadiri 'tong FAKE NEWS na 'to!!!!!! Pero mas KADIRI 'yung mga sumakay!!!! Pero PINAKAKADIRI 'yung mga sumusuweldo at kumikita sa FAKE NEWS!!!”


Nakakuha ng kakampi si Vice sa mga netizens.


“Tama ka d'yan Meme. Ang daming mga ganyan lalo na sa Facebook. END THEM!”


“'Di nila knows na siya ang unang ate girl ng life mo, what a shame that some journalists nowadays make up stories for money and clout, which they should be the ones spreading facts, information.”


Sinundan pa ni Vice ng isang post sa ķanyang Twitter account bilang reaksiyon sa naglabasang “fake news.”


“Mga taong sa panahon ngayon chismis, paninirang puri at fake news pa din ang trabaho YUUUUICCCCKKK!!!! Mas mababa pa kayo sa T*E! 'Yan ang #FACT !”


'Yun na!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page