top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

4th SONA, giyera sa droga at korupsiyon, tuloy!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 23, 2019
1 min read

“Iwill end my term fighting”.

Ito ang panimula ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA).

Tulad ng nakasanayan na, sadyang prangka at ma­kulay kung mag-ulat sa bayan ang pangulo.

Bagama’t, may inihandang speech, hindi nito naiwasang mag-adlib — may kaunting jokes, ilang mura at kung ano ang aniya’y nilalaman ng kan­­yang isip.

Mula sa talamak na iligal na droga hanggang sa nama­mayagpag na ko­rupsiyon at ang hirit ng pangulo sa mga mambabatas, “ibalik na ang bitay!”.

Sadyang hindi biro ang labang ito, araw-araw ay may napapatay at pinapatay dahil sa iligal na droga.

Hindi rin matapus-tapos ang mga kontrobersiya at anomalya na kinasa­sang­kutan ng mismong mga opisyal ng gobyerno. Kaya ang utos ng pangulo sa taumbayan, “Mag-eskandalo, huwag magpasindak sa mga korup!”

Para naman sa laban sa West Philippine Sea (WPS), tulad ng palagi nitong sinasabi, “Hindi tayo handa sa giyera. Maninindigan tayo sa tamang panahon”.

Samantala, ibinida naman ng pangulo ang mga maituturing na napag­tagumpayan nang laban. Nariyan ang rehabilitasyon sa Boracay Island, pagpasok ng bagong telco, libreng edukasyon sa kolehiyo, nagsi­mulang ‘Build, Build, Build Program’ at iba pang panukala na naging batas na.

Hindi rito natatapos ang laban, ayon nga kay Pangulong Duterte, may tat­long taon pa siya para pangunahan ang iba’t ibang ‘giyera’.

Gayunman, ang laban ng bawat Pilipino ay hindi matatapos sa 2022.

Araw-araw tayong haharap sa kahirapan at kriminalidad, kailangan lang nating magkaisa at umasa na kinabukasan, kaya pa nating luma­ban para sa pamilya, sa kapwa at sa bayan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page