2 SHABU SUPPLIER NASAKOTE
Pabs Hernandez III
Jul 23, 2019
1 min read
ILOILO—Dalawang suppliers ng shabu ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa bayan ng La Paz sa lalawgang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Jaypee Fernando at Billy Castor, kapwa nakatira sa Bgy. Baldoza sa nasabing bayan.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 23 sachets ng shabu sa pag-iingat nina Fernando at Castor.
Hindi naman nanlaban ang dalawang suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa naturang lugar.





Comments