Sey ng experts... TOOTHPASTE NA NAKAKAPAYAT, PATOK!
- BULGAR

- Jul 22, 2019
- 1 min read

MARAMING beses na ba kayong sumubok na magpapayat, pero wala pa ring epekto? Don’t worry, mga beshy, dahil bukod sa mga slimming pills at tea ay mayroon na ring toothpaste na nakakapayat. Wow!
Good news para sa mga beshy natin diyan na bet na bet ng magpapayat, pero hindi matigil sa pagkain ng junk foods at iba pang nakakataba dahil may naimbento na ang mga eksperto na Diet Aid Toothpaste na nakatutulong umano para mabawasan ang inyong timbang kada linggo.
Ang Diet Aid Toothpaste ay nagkakahalagang £6 kada tube.
Bagama’t, pricey ito kumpara sa mga nakaugalian nating toothpaste, makatutulong naman ito sa ating physical health.
Gayunman, ayon sa mga manufacturer ng nasabing toothpaste, ang magic ingredient umano ay ang appetite suppresant chromium.
Ang chromium ay may iba’t ibang benepisyong naidudulot sa ating katawan kung saan nakare-regulate ito ng metabolism, insulin at blood sugar level. Dagdag pa rito, responsable ang chromium sa sugar cravings, energy slumps, irritability, mood swings at iba pa.
Kaya bagay na bagay talaga ito para sa mga gustong magdiyeta dahil sa oras na ginamit ninyo ito ay awtomatik na kayong mawawalan ng ganang kumain ng matatamis na alam nating lahat na nakakataba.
Kaya ang payo ng mga eksperto, oks ng gumastos ng mahal basta epektibo ito sa pangangailangan ng ating katawan.
Oh, ayan, dahil sa makabagong panahon, maraming produkto na rin ang naiimbento na makapagpapadali sa ating mga problema, basta maging maalam lang tayo at mag-research kung kinakailangan.
Brush your teeth three times a day, mga beshy!
Okie?





Comments