LABORER NATAGPUANG PATAY
Pabs Hernandez III
Jul 22, 2019
1 min read
CAGAYAN—Isang laborer ang natagpuang patay kamakalawa sa Bgy. Centro North-West, Solana sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Mariano Mabborang, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na ilang barangay tanod ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa harap ng bahay sa nasabing lugar.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang sanhi ng kamatayan ng biktima.





Comments