Ke dalaga, may asawa, ‘di magkaanak etc…. IBA’T IBANG KAHULUGAN NG PAGBUBUNTIS SA PANAGINIP

Salaminin natin ang panaginip ni Aiza ng Aiza_Alferez@ facebook.com
Dear Professor, Gusto kong malaman kung ano ang kahulugan ng panaginip ko, nanaginip kasi ako na buntis daw ako. Salamat! Naghihintay, Aiza
Sa iyo Aiza,
Kapag ang nanaginip ay buntis at sa reyalidad ay may asawa siya, ang panaginip ay simpleng nagsasabing, gusto na niyang magkaanak. Kapag may asawa na, pero ayaw pang magkaanak o imposible siyang mabuntis, ang panaginip ay nagsasabing, kailangan nang ihinto ang ginagamit na contraceptive dahil panahon na para siya ay magka-baby.
Kapag may asawa, pero hindi na magkakaanak pa, ang panaginip na buntis ay nagsasabing, dumating na ang panahon na ipinagbubuntis niya ang nakatakdang kanyang kapalaran. Dahil ang totoo, hindi lang bata o sanggol ang ipinagbubuntis dahil ang mga takdang kapalaran ay ganundin.
Ito ay madaling mauunawaan sa mga salitang “iniluluwal nang madilim na gabi ang liwanag ng umaga at ang Haring Araw ay sumisikat sa dakong silangan.”
Napansin mo ba, iha, ang salitang “sumisikat” sa sumisikat sa dakong silangan? Kaya muli, hindi lang sanggol ang isinisilang.
Sa tao, ang petsa ng kanyang kaarawan ay siyang araw na siya ay iniluwal. Kaya ang kapalaran ng tao ay ipinagbubuntis din at isisilang o iluluwal sa kanyang takdang panahon.
Ang masuwerteng balita para sa mga nakapanaginip na siya ay buntis, ang kanyang ipinagbubuntis ay ang mga suwerte sa buhay. Ang ganitong katotohanan ay makikita na ang anak ay sinasabing suwerte ng mag-asawa. Kaya ipanatag mo ang iyong sarili, pero dapat masaya ka dahil ikaw ay nakatakda nang suwertehin.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments