Kahit pa may lahi kayong tumatandang dalaga, besh! BABAENG PINAPAYUHANG HUWAG MAWALAN NANG PAG-ASA N
- BULGAR

- Jul 22, 2019
- 2 min read

KATANUNGAN 1. Wala pa akong boyfriend ngayon, gayung 37 years old na ako, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may tsansa ba akong tumandang dalaga at hindi na makapag-aasawa pa? 2. May lahi kasi kaming tumatandang dalaga tulad ng mga tiyahin ko. 3. Pero, may nakikita akong Marriage Line sa aking mga palad, kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa. 4. Ang tanong ko ngayon, Maestro, ay kung talaga bang magkaka-boyfriend at makapag-aasawa ako at kung positive, kailan kaya ito? KASAGUTAN 1. Tama ka, Erlinda, may malinaw at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Kaya hindi ka talaga dapat kabahan na tatandang dalaga ka, habambuhay, sa halip, tulad ng nasabi na, dahil may malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad at ang nasabing guhit ay makapal at mahaba. Ibig sabihin, sadyang nag-aalala ka lang at kinakabahan dahil nasa peligrosong edad ka na dahilan kung bakit minsan ay nagiging negatibo ang iyong pananaw sa buhay at sa kasalukuyan mong sitwasyon. 2. Gayunman, ang iyong lagda na may maayos na bilog ang letrang “y” sa pinakabuntot nito na siya ring tinatawag na phallic symbol ay nagsasabing, sa edad mong 37 pataas, buo at sumusulak pa rin ang iyong libido, pagnanasa at init ng katawan, kaya tulad ng nasabi na, hindi ka dapat mabahala na baka tumandang dalaga ka habambuhay, bagkus, basta panatilihin mo lamang ang pagkakaroon ng kaakit-akit na pigura at magandang hubog ng katawan, walang duda, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, mahuhulog din mula sa langit ang lalaking itinakda sa iyong kapalaran upang makasama mo habambuhay na nagtataglay ng zodiac sign na Taurus. DAPAT GAWIN Habang, ayon sa iyong mga datos, Erlinda, nakatakda ng maganap ang kinaiinipan mong pagkakaroon ng boyfriend na hahantong sa tuluyan na ring pag-aasawa at pagkakaroon ng masaya at panghabambuhay na pamilya na itinakdang mangyari sa susunod na taong 2020, sa buwan ng Abril o kaya ay Mayo, sa edad mong 38 pataas.




Comments