Gustong yumaman, problemado, laging minamalas, etc.? ALAMIN: TAMANG KULAY NG KANDILA DEPENDE SA WISH

Bigyang-daan natin ngayon ang pagpapatuloy sa kasagutan sa email ni Estella ng Estella_Estella@ facebook.com
Sa iyo Estella, Noong nakaraang isyu, ibinahagi natin ang iba’t ibang gamit ng mga kandila. Bilang paalala, ang kandila ay hindi dapat gamitin sa mga ritwal na ang layunin ay sumasangguni sa mga espiritu dahil ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa Banal na Aklat.
Gayunman, ang mga kandila ay ginagamit sa mga relihiyon. May mga relihiyong hindi naniniwala sa kandila at ang mga relihiyong ito ay masasabing nagkukunwari lang na sumusunod sa mga katotohanan na nasa Banal na Kasulatan.
Ang totoo, nasusulat sa Banal na Kasulatan na sa langit mismo ay may nakita si San Juan na isa sa mga apostol ni Lord Jesus Christ.
Sinabi Niya at Kanyang isinulat sa kanyang aklat na “Pahayag” na mas lalong kilala sa tawag na Apokalipsis na sa kaharian ng Diyos ay may nakita siyang kandelaryo. Ang ibig sabihin ng “kandelaryo” ay ang lalagyan ng mga kandila. Kung sa langit ay may kandila, pero sa relihiyong iyong kinabibilangan ay wala, dapat mag-isip-isip na ang mga miyembro rito.
Balikan natin ang tamang paggamit ng mga kandila. Narito ang karagdagang kaalaman:
6. Gusto mo bang magkaroon ng yaman? Ang gamitin mo habang ikaw ay nananalangin ay ang dilaw na kandila. Ang dilaw o yellow ay sinisimbolo ng kayamanan. Ito rin ang kulay ng ginto kaya kung pera ang iyong kahilingan, kandilang dilaw ang iyong sindihan.
7. Nahaharap ka ba sa mabibigat na hamon ng iyong kapalaran at ikaw ay parang naduduwag o pinanghihinaan ng loob? Gumamit ka ng kandilang pula habang ikaw ay nagdarasal.
8. Palagi ka bang natatalo sa sugal o sa pakikipagsapalaran? Maraming pera na ba ang naubos mo sa kasusugal? Minsan, nananalo ka, pero sa kabuuan ay talo ka? Gusto mo bang magtuluy-tuloy ang dating ng mga suwerte mo? Ang sindihan mo ay ang kandila na kulay gray dahil ang kulay na ito ay iniuugnay sa tinatawag na “The Goddess of Gambling” na si Mercury.
9. Gusto mo bang makaganti sa taong umagaw sa pinakamamahal mo? May umapi ba sa iyo? May gumawa ba sa iyo ng masama? May nagnakaw ba sa pera mo o sa mga ari-arian mo? May nakaaway ka ba at ikaw ay naagrabiyado? Masyado bang sumama ang loob mo sa tao na labis kang ipinahiya? Sindihan mo ang kandila na kulay itim habang ikaw ay nananalangin.
Muli, kapag mali ang gamit ng kandila, ito ay walang kuwenta. Isa ito sa dahilan kung bakit maraming dasal ang walang bisa.
Good luck and God bless!




Comments