GF na Miss World, palaban… MEGAN, NAKIKIPAGSUNTUKAN KAY MIKAEL


KASAL na lang ang kulang sa showbiz couple na sina Miss World Megan Young at Mikael Daez na magkasundung-magkasundo bilang travel buddies at pareho ring mahilig sa sports. Kahit na sa boxing, hindi uurungan ni Megan ang BF niyang si Mikael. Pareho rin silang mahilig kumain ng foreign dishes bukod sa pagkaing Pinoy.
Ang maganda sa kanilang relasyon, walang pressure at hindi sila nasasakal sa isa’t isa. May freedom silang gawin ang mga gusto nila sa buhay. Nagkakatulungan sila sa kanilang respective careers. Kaya naman may mga netizens na nagdududa at iniisip na baka secretly married na sina Megan at Mikael kaya kampante sa kanilang relasyon.
Samantala, marami ang nagsasabing level-up na ang akting ni Megan ngayon. Hindi na siya napag-iiwanan ng nakababata niyang kapatid na si Lauren Young. Nag-e-effort na siyang pagbutihin ang kanyang pag-arte kaya napapansin na rin ang malaking pagbabago sa kanyang akting.
Sa bagong afternoon soap niya sa GMA Network, ang Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko, makikita ang malaking improvement ni Megan acting wise. Sa mga eksena nila ni Kris Bernal ay na-challenge siya nang husto.
Kasama rin sa bagong serye sina Ms. Boots Anson-Rodrigo, Kim Domingo, Sharmaine Arnaiz, Francine Prieto and of course, sina Kris Bernal at Rayver Cruz.





Comments