top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

ANIME STUDIO SA JAPAN, SINUNOG, 33 PATAY

Jersey Sanchez
Jul 22, 2019
1 min read

PATAY ang 33 katao kabilang ang hindi bababa sa 36 sugatan sa arson attack na naganap sa animation studio sa Kyoto, Japan.

Batay sa inisyal na ulat, natagpuan ang mga nasawi sa sinunog na Kyoto Animation Co.

Gayunman, naaresto ang 40-anyos na lalaki na sinasabing nasa likod ng pag-atake at pagsunog sa lugar.

Naganap ang pag-atake sa animation studio, alas-11:00 ng umaga (Philippine time).

Ang Kyoto Animation Co. ay itinatag noong 1981 at kilala ito sa pagpo-produce ng anime novels, comics at mga libro.

Kabilang sa mga pinasikat na likha nito ay ang manga series na “K-On!” at anime TV adaptation ng “Haruhi Suzimiya”.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page