HOROSCOPE | Hulyo 21, 2019 (Linggo)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 21, 2019 (Linggo) Kakaiba at kahanga-hanga ang kabutihang-loob mo. Dahil dito, ang mga biyaya at pagpapala ay palaging nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahina ka ngayon dahil tatalunin ka ng iyong damdamin. Malaki ang posibilidad na ang iyong kaaawaan ay iyong mamahalin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-23-29-30-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magmadali. Umasa kang ang mismong kapalaran mo ang mag-aayos ng buhay mo. Kapag ang kapalaran ng tao ang nasunod, ang kaligayahan ay tiyak na mapasasakanya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-17-21-25-35-38.
GEMINI (May 21- June 20) - Malalaking suwerte ang dumarapo sa mga nagbibigay sa kapwa nang maluwag sa kanyang kalooban. Magbigay ka nang may masayang puso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-14-20-25-34.
CANCER (June 21- July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hilingin mo sa langit kung ano ang pinakagusto mo sa buhay. Kahit may pagkaimposible o mahirap, ipagkakaloob pa rin ito sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-15-21-25-31-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hawakan mo ang iyong sarili, hawakan mo nang mahigpit dahil ang mga tukso sa maniwala ka o hindi ay mas malakas kaysa sa iyo. Hindi ito gabay, ito ay katotohanan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-18-27-35-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gawin mo ang gusto mong gawin. Hindi na puwede ang madalas na nangyayari sa iyo na ang gusto mong gawin ay hindi mo nagagawang simulan man lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-12-16-22-25-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nabubuhay ka nang dahil sa pag-ibig. Ang kahulugan nito sa buhay mo ay hindi puwede na wala kang minamahal. Huwag mong isara ang pintuan ng iyong puso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-27-30-31-37-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Minamaliit mo ang iyong sarili. Hindi mo ba alam na mas malakas ka kaysa sa iba, gayundin, mas masuwerte ka sa mga nag-aakalang sila ay mga binuwenas? Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-14-24-37-40-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Madali kang mairita ngayon. Aayaw ka sa sobrang malambing at sa dikit nang dikit. Ito ay dahil mas uunahin mo ang pangkabuhayan kaysa sa iba pang bagay sa mundo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-18-21-23-30-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Piliin mo ang pagkakaunawaan. Hindi dahil sa talo o mahina ka kundi dahil sa hindi puwedeng labis na sumama ang loob mo dahil sa totoo lang, mahirap kang kaaway. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-21-26-30-36-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pansamantala lang ang lungkot mo dahil ikaw ang taong mabilis makahanap ng saya at ligaya. Ang mga kabiguan ay parang hangin lang na daraan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-15-20-28-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Patuloy kang susundan ng mga suwerte at kapag nakitang panatag na ang iyong kalooban ay biglang gaganda ang iyong mundo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-17-20-24-31-37.




Comments