top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

For sure, forever na sila ng future mister... BEBOT NA SUSUWERTEHIN KAPAG ITINAON SA BILOG NA BUWAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Nagbabalak na kaming magpakasal ng boyfriend ko sa susunod na taong 2020 o kaya ay sa 2021 dahil ngayon ay mahigit limang taon na ang aming relasyon.

Itatanong ko kung suwerte ba sa amin ang taong 2020 o 2021 para magpakasal? Anong taon kaya magandang magpakasal?

May 16, 1994 ang birthday ko at August 29, 1989 naman ang boyfriend ko. Compatible ba kami at kapag kami ang nagkatuluyan, magiging maligaya at mata­gumpay ba ang pagsasama namin, habambuhay?

Umaasa,

Madelyn ng Bucal, Amadeo, Cavite

Dear Madelyn,

Ayon sa zodiac sign mong Taurus at Virgo naman ang boyfriend mo, tunay ngang tugma kayo sapagkat alam nating lahat na ang Virgo at Taurus ay may iisang elementong tina­taglay – ang elementong earth o lupa.

Habang sa Numerology, pansining ikaw ay may birth date na 16 o 7 (dahil ang 16 ay 1+6=7) sa destiny number na 8 (5+16+1994=2015/ 20+15=35/ 3+5=8) kung saan ang numerong 7 ay weak number habang ang 8 ay strong number. Ibig sabihin, balanseng-balanse ang iyong pagkatao sa mga numerong 29 o 2 (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) at destiny number 1 (8+29+1989=2026/ 20+26=46/ 4+6=10/ 1+0=1) ng boyfriend mo. Ibig sabihin, bukod sa zodiac sign na Taurus at Virgo, tugmang-tugma rin ang mga numerong inyong tinataglay.

Hinggil sa tanong mo kung favorable o masuwerte ba sa inyong magkasintahan ang magpakasal sa susunod na taong 2020 o kaya ay 2021? Positibo ang tugon dahil ang taong 2020 ay may sumatutal na 4 (2020/ 20+20=40/ 4+0=4) na suweto sa birth date mong 7 at destiny number mong 8 at 1 naman sa boyfriend mo. Gayundin, ang taong 2021 na may numerong 5 (2021/ 20+21=41/ 4+1=5) ay suweto at suwerte rin sa zodiac sign na Virgo ng boyfriend mo na nagtataglay ng numerong 5 na tulad ng nasabi na, ito ay numero ng taong 2021.

Ibig sabihin, kayo na ang magkakatuluyan at kapag kayo ay nagsama, ang inyong bubuuing pamilya ay panghabam­buhay nang uunlad at magiging maligaya.

Samakatwid, compatible kayo sa Astro-Numerology na pag-aanalisa ng boyfriend mo, Madelyn, at sa susunod na taong 2020 o kahit na sa taong 2021, puwedeng-puwede na kayong magpakasal, lalo na sa mga buwan ng Mayo, Set­yembre, Oktubre at puwede ring Disyembre, basta ituon lamang ang mismong araw o petsa ng kasal sa panahong nasa first quarter o kaya ay papabilog ang buwan sa langit upang ang itatayo ninyong pamilya, tulad ng papabilog at papabu­las na buwan sa kalangitan ay mananatiling masa­gana, romantiko at habambuhay na magiging maligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page