Aray ko, James! NADINE, OUT SA MMFF MOVIE NI AGA, PINALITAN NI BELA
- BULGAR

- Jul 21, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

BALITA pa lang ito at hindi pa kinukumpirma ng Viva Films ang tsika na out na si Nadine Lustre sa cast ng 2019 MMFF entry na Miracle in Cell No. 7. Ang Kapamilya actress daw na si Bela Padilla ang ipinalit kay Nadine.
Kahit ilang eksena lang na makakasama ni Nadine si Aga Muhlach sa nasabing pelikula, manghihinayang pa rin siya sa chance na makatrabaho ang magaling na aktor na gaganap na tatay sana niya sa pelikula.
Ang pagiging sobrang busy ni Nadine ang sinasabing isa sa mga rason kung bakit pinalitan na siya ni Bela. Ito ay kung totoo ang lumutang na balitang ito.
Bukod kay Aga, hindi rin makakatrabaho ni Nadine sina John Arcilla, Janno Gibbs, JC Santos, Arjo Atayde at Joel Torre na gaganap na kasamang bilanggo ng aktor sa pelikula.





Comments