top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Aktor, direktor na… XIAN, UMAMIN KUNG BAKIT 'DI KINUHA SI KIM SA MOVIE NIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21, 2019
  • 2 min read

NAIINTINDIHAN ni Xian Lim kung hindi man maka­karating ang girlfriend niyang si Kim Chiu sa gala night ng first directorial job niya na isa sa official entries sa 2019 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, ang Tabon.

Nasa Amerika raw kasi si Kim para sa show ng A.S.A.P. sa San Francisco next month. Pero umaasa si Xian na panonoorin ni Kim ang Tabon sa regular run nito sa Cultural Center of the Philippines at sa ibang piling malalaking sinehan sa Metro Manila from August 2 to 13.

Tinanong namin si Xian kung bakit ‘di niya isinama si Kim sa first film niya bilang direktor.

Aniya, “I think it’s more of ano, mag­kaiba kasi kami ni Kim, eh. So, I don’t know. I mean, in the future, why not?”

Alam naman daw ni Kim ang tungkol sa bago niyang proyekto.

“Of course,” diin ni Xian, “alam na alam niya ang dugo at pawis ng pelikulang ‘to. Alam naman niya talaga na this is something na gusto kong gawin. And this is some­thing na I’ve always wanted to do and tala­gang binigyan ko ‘to ng oras. And every day, kino-congratulate niya po ako sa journey po na ‘to.”

Medyo matagal-tagal na ring hindi nagkasama sa isang proyekto sina Xian at Kim, kaya wish ng aktor na magka­trabaho ulit sila ng kanyang GF.

Sana po. Wala pa po, eh. Magkaiba po kasi kami, eh. I’m part of Viva. Pero why not? Hopefully po. But I’m doing Love Thy Woman sa ABS-CBN. Balik-tele­bisyon po ako.”

Nagwo-workshop kami sa bahay ng multi-awarded scriptwriter na si Ricky Lee when he mentioned to us na nandoon si Xian at isinusulat ang kanyang script. Kasama si Xian sa Batch 17 na nagtapos ng scriptwriting workshop ni Kuya Ricky.

“Tabon is a story about a man coming back from the province to figure out what happened to his father. When I was writing kasi, to be completely honest, I wanted a concept that revolves around a cave. Ganu’n lang kasimple. I’ve always had this fascination na there’s a mysterious element po kasi sa kuweba. So, may isang time po kasi na nagha-hike ako, nagba-bike ako na mag-isa lang, sabi ko, ‘Sige nga, subukan ko nga ‘to.’ Wala pang Ricky Lee. Wala pang any attempts of passing it to Cinemalaya,” ku­wento ni Xian.

Medyo nagugulat daw si Xian sa shooting ng Tabon kapag nari-realize niya na siya na ang nagbibigay ng instruction sa mga artista niya.

“Oh, yes. Tapos, nasanay ako na ‘yun nga, pupunta lang ako sa set, makikinig lang ako sa mga kailangan kong gawin, tapos uwi na. Hahaha! Eh, ‘di ba, ganu’n lang talaga siya kasimple? Tapos matutulog ka kapag hindi ka kailangan.”

This time, feel na feel ni Xian ang res­ponsibility na nakaatang sa kanyang balikat sa set ng Tabon.

“Ang daming responsibilities sa lahat ng tao to make sure, una sa lahat, healthy working environment. At the same time, they got the story across. Eh, ‘yun, I stick but that responsibility na, ‘Hindi tayo matitibag dito. Ito ang gagawin natin.’ But at the same time, being open enough that it is a collaborative process pa rin,” lahad pa niya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page