REBELDENG BEBOT TIMBOG
SULTAN KUDARAT—Isang babaeng miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Nalidlidan, Kalamansig sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Cheryl Tolino, alyas Ka Che, miyembro ng NPA na nakabase sa nasabing lalawigan.
Nabatid na may nakuhang impormasyon ang mga awtoridad na miyembro umano ng NPA si Tolino kaya agad itong pinuntahan ng mga pulis at dinakip.
Sa kasalukuyan ay isinasailalim pa ng mga awtoridad sa taktikal na interogasyon ang suspek.





Comments