Oks lang mag-enjoy sa iba‘t ibang apps, basta safe!


Patok ngayon ang mga app na gumagamit ng filter dahil nag-iiba ang hitsura sa litrato.
Kaya sa paglitaw ng ‘FaceApp’ na may kakaibang feature, maraming netizens ang naaliw dito.
Bagama’t, maraming natuwa rito, nagbigay-babala ang ilang eksperto sa paggamit ng image application na FaceApp dahil sa terms and conditions nito.
Ito ay gawa ng Russian developers kung saan kaya nitong gawing bata o matanda ang hitsura ng user sa larawan.
Babala ng mga eksperto, puwedeng i-edit, ibenta at gamitin sa iba ng mga developer ang larawan na in-upload ng user, gayundin, hindi puwedeng magreklamo ang user dahil nakasaad ito sa terms and conditions ng naturang app.
Gayundin, pinag-iingat ang publiko sa pagbibigay ng personal na impormasyon sa iba pang apps at social media sites tulad ng lokasyon, kaarawan, phone number dahil maaari itong magamit sa krimen tulad ng identity theft.
Samantala, nilinaw ng app na inaalis nila ang uploaded photos pagkatapos ng 48 oras at hindi umano nila kinokolekta ang impormasyon ng kanilang mga user.
Bago gumamit ng app, napakahabang terms and conditions ang dapat nating basahin at intindihin kaya hindi ito sineseryoso ng marami.
Madaling mag-click at gumamit ng mga app pero, kung ang mga impormasyon at pagkakakilanlan natin ang nakasalalay dito, mga polisiya ng app, seryosohin!





Comments