Make sure na ikaw ang sasagot sa puhunan, bro! LALAKING SA SANDALING IPINAMANDO KAY MISIS ANG NEGOSY


KATANUNGAN
Naguguluhan ako ngayon, Maestro, balak ko nang mag-resign sa trabaho ko at magnegosyo na lang. Pero, napansin kong nahulog ang guhit ng Fate Line at Business Line sa pagitan ng aking mga daliri. Ano ang ibig sabihin nito?
Ang sabi ng misis ko, kapag daw nag-resign ako, mas maganda raw na mag-apply na lang ako sa abroad, para mas madali kaming makaiipon at siya na lang daw ang magnenegosyo kung sakali mang kasya pa ang natitira naming pera na pampuhunan.
Sa ngayon ay nalilito talaga ako kung ano ang gagawin ko sa aming kabuhayan dahil lumalaki ang gastos ng aking pamilya, pero hindi nadaragdagan ang aming income. Sana, magabayan n’yo rin kami upang umunlad at magkaroon ng masaganang pamumuhay ang aming pamilya.
KASAGUTAN
Tama ang nakikita mong guhit sa kaliwa at kanan mong palad kung saan nahulog nga sa pagitan ng mga daliri ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) at Business Line (Drawing A. at B. N-N arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung sakaling magnenegosyo ka at ikaw ang magma-manage o mamamahala, malamang na hindi ka rin makaiipon at hindi rin uunlad ang nasabing negosyo dahil malulustay o mawawaldas mo lang ang puhunan o kaya ay ang mangyayari, magagastos mo lang ang puhunan sa walang kabuluhang mga bagay.
Dahil dito, tama ang suhestiyon ng iyong asawa, mas mainam sigurong siya na lang ang pagnegosyohin mo at kasabay nito, ikaw ay mag-apply sa abroad.
Ang pag-aanalisang mas papalarin ka sa pangingibang-bansa kaysa sa pagnenegosyo ay madali namang kinumpirma ng malinaw at maaliwalas na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa sandaling nakapag-abroad ka, magtutuluy-tuloy na ito at habang ipinadadala mo sa iyong pamilya ang kinikita mo sa ibayong-dagat, posibleng maipon ng misis mo ang iyong kinikita na maaari niyang ipampuhunan sa anumang maiisip ninyong negosyo hanggang sa tuluy-tuloy nang maging maluwag ang inyong buhay sa aspetong pananalapi at pangmateryal.
Ang pag-aanalisang mas magiging mapalad ang misis mo kung siya ang magnenegosyo sa halip na ikaw ay madali namang kinumpirma ng birth date niyang 23 sa pagitan ng zodiac signs na Libra at Scorpio. Kung nagkataong malaman ang kaliwa at kanang palad ng misis mo at nagtataglay siya ng straight Head Line, (Drawing A. at B. H-H arrow d.) sa kaliwa at kanang palad, tulad ng nasabi na tiyak ang magaganap, siya ang tila magsisilbing “alas” upang umunlad ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyan na kayong yumaman sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Martin, mas mainam na sumunod ka sa mungkahi ng misis mo na ikaw ay mangibang-bansa habang siya ang magsisimula ng negosyong may kaugnayan sa tindahan o kaya ay sa grocery.
Sa ganyang paraan, tiyak ang magaganap, mga lima hanggang pitong taon mula ngayon, sa taong 2024 sa edad mong 47 pataas 45 naman si misis, unti-unti nang uunlad ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyan na kayong yumaman.




Comments