Kung may Alden-Kathryn… CARLA AT PIOLO, MAGSASAMA RIN SA MOVIE
- BULGAR

- Jul 20, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

Busy na uli sa kanyang showbiz career si Carla Abellana dahil may gagawin na siyang bagong teleserye sa GMA-7. Makakasama niya si Rhian Ramos na gaya niya ay matagal ding hindi gumawa ng teleserye dahil nag-aral naman ito ng acting sa New York.
Also in the cast ng bagong serye are Ms. Coney Reyes and Mikael Daez, mula sa direction ni Don Michael Perez.
Nabanggit din sa amin na bukod sa teleserye, may gagawin ding pelikula si Carla at si Piolo Pascual ang kanyang makakapareha. Nakalimutan lang ng source namin ang title at director ng pelikula at kung saang film outfit nila gagawin.
Babawi si Carla sa tagal na napahinga at mabuti na lang, nagge-guest siya sa ibang shows ng Kapuso Network kaya napapanood pa rin siya.





Comments