HARAPIN ANG BUKAS, WEATHER LANG SA 3YO

MAGHAHARAP ang mga kalahok sa 10 karera na magaganap kasabay ng Philracom Rating Based Handicapping System (RBHS) Race sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas ngayong hapon.
Sa Race 1, kasabay ng 1st Pick 5, maglalaban-laban ang anim na kalahok sa pag-alagwa ng 3-Year-Old Group Race (5-6) at binibigyan ng malaking panalo ang Harapin Ang Bukas laban sa Weather Lang, Brandy Drinker, Ava’s Tale, Will To Win at Iikot Lang.
Sa race 2 kung saan magsisimula ang 1st Winner Take All (WTA), ipinapatok ang Watermania habang binibigyan ng laban ang Pabulong, Hold On at Yssa’s Will. Balikatan ang laban ng mga kalahok na Lundagin Mo Baby, couple entry na sina Marahuyo at Blue Orchid, couple entry na Suzie Cat at Alim’s Joy at couple entry na Holy Rain at Magnitude Eight sa Race 3 ng 1st Pick 6.
Sa Race 4 na simula ng 2nd WTA, nakalalamang ang Top Attraction at binibigyan ng panalo ang Harapin Mo, Crowned Prince at Mr. Manilenial.
Sa Race 5 magaganap ang 2nd Pick 6, kung saan naglalaban ang mga kalahok na Mother Secret, Picacho at Mabalor sa Philracom-RBHS Class (11-15). Sa Race 6 kung saan magsisimula ang 2nd Pick 5, pinapaboran ang Let It Go Let It Go, habang ang couple entry na Dangerous Willie at Luyang Cave ay may tsamba.
Magaganap ang Pick 4 sa Race 7, at nakalalamang ang Kickback, habang ang Security Pass ang siyang tatalo.
Sa Race 8, binibigyan ng malaking panalo ang couple entry na Ungkaw at Trust Me habang makakalaban ang Noble Run, Hidden Eagle at Kapayapaan.
Tip ni Mang Ding: Race 1 Harapin Ang Bukas (4) Weather Lang (2) Race 2: Watermania (11) Yssa’s Will (8) Race 3: Lundagin Mo Baby (4) Princess Jem (11) Race 4- Top Attraction ( 8) Harapin Mo (6) Race 5- Mabalor (5) Mother Secret (2) Race 6- Let It Go Let It Go (1) entry no.3 Race 7- Kickback (3) Security Pass (7) Race 8- Entry No.11 Noble Run (10) Kapayapaan (1) Race 9-Red Lion (6) Entry No.5 Kay Tagalog (1) Race 10-Baisakhi (9) Barret Browning (8) 1st WTA (2-8)11/4-10-11/8-6/2-4-5/1-3/3/11/ 2nd WTA (4-10) 8-6/2-4-5/1-3/3/11/6-5/2-9-8/ 1st Pick 6 (3-8) 4-10-11/8-6/2-4-5/1-3/3/11/ 2nd Pick 6 (5-10) 2-4-5/1-3/3/11/6-5/2-9-8/ 1st Pick 5 (1-5) 4-2/11/4-10-11/8-6/2-4-5/ 2nd Pick 5 (6-10) 1-3/3/11/6-5/2-9-8/ Pick 4 (7-10) 3/11/6-5/2-9-8





Comments