top of page

Watermelon, strawberry, papaya at iba pa… MGA PRUTAS NA EPEKTIB NA PAMPA-FLAWLESS

  • Jersey Sanchez
  • Jul 19, 2019
  • 2 min read

NAPAKARAMI ng skin care products ang nauso at pumatok para ma-achieve ang fair at glowing skin na gusto nating lahat. Pero, hindi ito basta-basta naa-achieved dahil ‘ika nga nila, trial and error ang paghahanap ng produktong magiging epektibo sa balat. Ito ang dahilan kung bakit may mga produktong nasasayang kaya para mas tipid at natural, narito ang ilang prutas na nakapagpapaganda ng balat:

1. WATERMELON. Ang pag-inom nito ay inirerekomenda ng mga eksperto dahil sa lycopene at iba pang vitamins na nakape-prevent ng skin roughness. Bukod sa pag-inom nito, puwede rin itong gawing mask sa pamamagitan ng pulp nito.

2. BANANA. Para mabawasan ang acne breakout, ito ang inirerekomenda ng mga eksperto. Ito ay dahil napipigilan ng potassium, fiber at Vitamins A, B6 at C ang pagdami ng bakterya na nagdudulot ng breakout. Pinoprotektahan din nito ang pimples mula sa impeksiyon. Para gamitin ito, durugin ang isang piraso ng saging at gawing facemask. Ibabad ito nang 20 minuto at saka banlawan.

3. GOOSEBERRY. Para ito sa sun protection at anti-aging, beshy! Ang 90% ng prutas na ito ay Vitamin C kung saan epektibo ito sa pagprotekta sa balat mula sa harmful sunrays. Sa pag-aaral, kasabay ng healthy diet, ang pagkonsumo nito ay nakape-prevent ng wrinkles at dryness. Upang ma-enjoy ang benepisyong ibinibigay nito, puwede itong kainin at gawing juice.

4. STRAWBERRY. Ayon sa mga eksperto, ang strawberry ay mayaman sa Vitamin C na mabuti sa balat. Ang antioxidant content nito ay nakapagpapabagal sa pagtanda ng balat. Bukod pa rito, ang iba pang nutrients na mayroon ito ay nakapagpapaganda ng collagen production, gayundin, napagagaling nito ang damages mula sa harmful UVA radiation tulad ng hyperpigmentation.

5. PAPAYA. Ito ang pinakasikat na prutas na may magandang epekto sa balat. Gayundin, ito ang powerhouse ng Vitamins A at C, carotenoids at magnesium. Ang carotenoids ay nagpoprotekta sa balat laban sa sunrays, nakapagpapaganda ng complexion at nakatatanggal ng dead skin cells.

Oh, mga sis, hindi masamang magpa­ganda ng balat kung ito ang nakapagbibigay ng confidence sa inyo. Pero, make sure na ang mga susubukan ninyo ay hindi mahirap hanapin at hindi mabigat sa bulsa. Have a glowing skin, mga beshy!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page