Nag-unfollow na sa isa't isa sa socmed, mga pictures, burado na rin… KALAT NA: HEAVEN AT JIMUEL,
- BULGAR

- Jul 19, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

NAGKAKALABUAN na umano ang young actress na si Heaven Peralejo at ang anak nina Jinkee at Boxing Champ-Senator Manny Pacquiao na si Jimuel.
Ayon pa sa tsika, parehong nag-unfollow sa kani-kanilang socmed account ang bagets couple.
Maging ang mga kuhang larawan ng dalawa ay dinelete na rin daw nila.
Ayon sa mga netizens, nasaan na raw ang “I love you” na sinasabi ni Jimuel sa Kapamilya actress?
May mga pangaral naman ang mga followers ng dalawang young celebrities. Puppy love lang daw ang kanilang nararamdaman dahil pareho pa silang mga bata.
“You’ll be meeting more people pa.”
“Well, they’re young. It happens with adults, so much more with teens.”
Sabagay, parehong teen-agers pa sina Heaven at Jimuel at ‘di malayong mangyaring magkakasawaan din agad ang dalawa.
At dahil ang mga bagets ay fickle minded, malamang na one of these days, mababalitaan na lang na following each other na naman sila.





Comments