Mga, idols, binuro na raw… FANS NINA MARIS AT IÑIGO, NAGBANTANG SUSUGURIN ANG DOS
- BULGAR

- Jul 19, 2019
- 1 min read

NAGTATAKA ang aming assistant na si Kevin Santiago kung bakit tila napapabayaan na ng Kapamilya Channel ang mga idolo niyang sina Maris Racal at Iñigo Pascual.
“Popular naman sila at maraming followers. They look right for each other. Bakit wala silang pelikula at teleserye?” said Kevin.
Ay, naku! Ibang klaseng fanatic ang aming girl, este Boy Friday. Handa raw silang mag-rally sa harap ng ABS-CBN Building na dala ang tarpaulin ng kanilang mga lodi to air their complaint.
Sabi ko… hala bira, pero dapat kumuha sila ng permit for that demo or they can be arrested by the police.
Okey daw silang mabilanggo basta dadalawin sila nina Iñigo at Maris. How’s that for fanaticism?





Comments