top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG MAIKASAL SA KASINTAHAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 19, 2019
2 min read

Dear Maestro,

May boyfriend ako ngayon at two years na ang aming relasyon. Okay ang aming samahan kahit minsan ay may tampuhan, pero mas madalas na nag­kakasundo kami at ma­­saya.

Naisipan kong sumang­guni sa inyo upang itanong kung kami na ba ng boy­friend ko ang magkaka­tu­luyan at compatible ba ka­mi?

Kung sakaling kami na ang magkakatuluyan, ma­giging maligaya at success­ful din ba ang itatayo na­ming pamilya?

November 7, 1991 at June 29, 1990 naman ang boyfriend ko.

Umaasa,

Ms. Scorpio ng Busay, Ligao, Albay

Dear Ms. Scorpio,

Ang zodiac sign mong Scorpio na pinangingiba­bawan ng elementong water o tubig ay tunay ngang com­patible rin sa zodiac sign na Cancer ng boyfriend mo na tulad din ng Scorpio ang Cancer ay kapwa nagtatag­lay ng elementong tubig o water.

Ibig sabihin, sa Wes­tern Astrology, suwetung-suwe­to talaga ang inyong tadhana at tugmang-tugma talaga kayo lalo na kung ang isa sa inyo ay may pagka-chubby ang pangangata­wan.

Gayundin, ang inyong birth date kung saan ang birth date mong 7 ay sad­yang compatible rin sa birth date na 29 o 2 (2+9=11/ 1+1=2) ng boyfriend mo sa­pagkat ang mga numerong 2 at 7 ay kapwa pinagha­ha­rian ng elementong tubig at planetang Moon-Neptune at nagkataong kapwa rin sila itinuturing na weak number.

Samakatwid, sa pag-aanalisang Astro-Numero­logy, tunay ngang compa­tible talaga kayo sa isa’t isa ng kasalukuyan mong boy­friend.

Dahil sa nasabing mga pag-aanalisa, humigit-ku­mu­lang, kayo na nga ang mag­kakatuluyan at nakatakdang magkaroon ng maligaya, ma­unlad at successful na pamilya, balang-araw.

Mapalad ang kulay ber­de, dilaw, lavender at pula sa araw ng inyong kasal, ga­yundin, sa mga pangunahing gamit sa bahay na dapat gan­yan din ang kulay kapag kayo ay nagsama na at bu­muo na ng sariling tahanan.

Isaalang-alang ang mga petsang 1, 10, 19, 28, 5, 14, 23, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, partikular sa mga buwan ng Mayo hanggang Hulyo at Setyembre hanggang Dis­yembre para sa panahon ng pagpapakasal.

Humigit-kumulang ka­pag kayo na ang nagkatu­lu­yan ayon sa Decadens ng Ka­palaran sa mga taong 2024, 2025, 2033, 2034 at 2035, tinatayang magsi­simula nang umangat at lu­mago ang inyong kabuha­yan hanggang sa tuluy-tuloy na ring lumigaya at umunlad ang itatayo ninyong pa­milya, habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page