top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Importante raw ito para sa muscles at metabolism, lodi! 9 SUPRISING FOOD NA MAYAMAN SA PROTINA, ALA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 19, 2019
2 min read

UPANG mapanatili ang malusog na pangangata­wan, dapat tiyakin ang pagkain ng mga prutas o gulay na may taglay at sapat na protina. Ang protina ay mahalaga sa pagpapanatili sa kaayusan ng ating muscles sa katawan, gayundin, ito ay mahalaga para sa metabolismo.

Knows ba ninyo na hindi lang karne ang mayaman sa protina? Ayon kay Isadora Baum, certified health coach, marami pang pagkain na mayaman din sa protina ang dapat nating isama sa ating diyeta.

1. SOBA NOODLES. Ang soba noodles (Japanese buckwheat noodles) ay nagtataglay ng mataas na protina. Ayon kay Baum, mainam ang pagkain ng soba noodles matapos ang mabigat na workout upang ma-repair ang mga nasirang muscle.

2. SPIRULINA. Sabi ni Baum, ang Spirulina ay isang uri ng seaweed (algae) na maganda sa katawan at sagana rin sa protina.

3. BEANS. Ang beans at lentils ay magandang isama sa mga soup at salad upang mapataas ang level ng protina sa katawan.

4. BROCCOLI. Ayon sa mga eksperto, ang broccoli at spinach ay mayroong 3 gramo ng protina kada ½ cup nito. Bukod sa taglay nitong protein, mayroon din itong Vitamins C at K, fiber at potassium. Mayaman din ito sa bioactive nutrients na mainam na panlaban sa cancer. Kung natatandaan ninyo, mahilig kumain si Popeye ng spinach kaya napakaganda ng kanyang pangangatawan.

5. EGGS. Ayon sa Healthline, ang whole eggs ay isa sa pinakamasustansiyang pagkain na mayaman sa nutrisyon. Punumpuno ito ng vitamins, mineral, healthy fats, eye-protecting antioxidants at brain nutrients na kailangan ng katawan. Mataas ang taglay na protina ng whole eggs habang ang egg whites ay purong protina, gayundin, 35% ang calories na taglay ng whole eggs. Ang malaking itlog ay may taglay na 6 grams ng protina at 78 calories.

6. ALMONDS. Ang almonds ay popular sa bansa, partikular sa Bicol. Ito ay may kamahalan, ngunit, sulit dahil kung ano ang siyang iniliit nito ay siya namang siksik-liglig sa nutrisyon at sustansiya tulad ng fiber, Vitamin E, manganese, protein at magnesium. Sabi nga sa kasabihan, “small but terrible”.

7. OATS. Ito ang binansagang “healthiest grains on the planet” dahil sa taglay nitong healthy fibers, magnesium, manganese, thiamin (Vitamin B1), protein at iba pang nutrients.

8. MILK. Ayon sa mga eksperto, ang gatas ay excellent source ng high-quality protein. Maraming benepisyo ang makukuha sa pag-inom ng gatas tulad ng calcium, phosphorus at riboflavin o Vitamin B2. Ang taglay nitong protein sa isang cup ay 8 grams.

9. TUNA. Ang tuna ay popular na isda. Kaunti lamang ang taglay nitong fat at calories, ngunit, sagana ito sa proteins at Omega-3. Ang 154gms. ng tuna ay mayroong 39gms. ng protein.

Oh ayan, kaya para sa mga tropa nating vegetarian, hindi na kayo mamumrob­lema pa kung ano ang kakainin ninyong gulay na sagana sa protina!

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page