HUMANDA ANG INDONESIA SA LUPIT NG MIGHTY SPORTS!
- BULGAR

- Jul 19, 2019
- 2 min read

PAGKARAAN ng dalawang araw na pahinga ng team, muling magbabalik ang Mighty Sports-Go For Gold Philipines sa impresibong kampanya ngayong araw kontra Indonesia sa Jones Cup na idinaraos sa Changhua, Taiwan. Sa hawak na league-leading 5-0 record, ang kinatawan ng bansa sa taunang torneo ay kailangan na lang ng dalawang panalo sa tatlong nalalabing laro upang masungkit ang inaasam na titulo na siya ring nakopo ng team noong nakaraang tatlong taon sa bisa ng 8-game sweep.
Sa tikas ng liderato ng masipag na si Renaldo Balkman at lakas ni Eugene Phelps, pumoste ang Mighty-GFG ng winning margin na 22.6 puntos para sa 89-82 na decision win kontra World Cup bound South Korea.
Ang bakbakan ng team ng 3 p.m. kontra Indons ay isa pang oportunidad para kay coach Charles Tiu upang bigyan sina McKenzie Moore at Zach Graham ng marami pang oras para makarekober mula sa mild injuries na natalo kontra Japanese na binomba nila sa 94-59.
Nasubok na rin ng PHL coaches ang laro ng kanilang bataan para sa nalalapit na paglarga sa SEA Games kung saan, dito nila makikita ang lakas at kahinaan ng Indons na naghahanda na rin para sa biennial meet.
Maliliit ang line up ng Indonesia, kaya gagamitin ni coach Tiu sina Balkman, Phelps, Moore at Graham, kapalitan sina Fil-American players Jason Brickman, Mikey Williams at Jeremiah Gray na hinahasa na rin nang husto kasama sina Gab Banal, Angelo Wongchuking at dating pro Joseph Yeo.
Matapos ang laban sa Indons, ang Mighty-GFG ay sasabak sa Sabado kontra Taiwan-A at makaraan ay laban sa Taiwan B sa Linggo. “It would be nice if we reclaim the title via a sweep,” ayon kay team owner Alexander Wongchuking. “It’s sweeter the second time around.” (MC)





Comments