top of page
Pokwang.jpg

HOROSCOPE | Hulyo 19, 2019 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 19, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 19, 2019 (Biyernes): Gina­garantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na ang mga ambisyon mo, gaanuman kalaki ay ma­pasasaiyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makipagsa­palaran ka at ikaw ay mana­nalo. Mas magandang sa negosyo ka tumaya nang sa gayun ay mas lalo pang lumago ang iyong ka­bang-yaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-20-23-29-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bibigyan ka ng langit ng tapang upang magawa mo ang iyong mga gustong gawin sa nagdaan, pero tinalo ka nang matinding kadu­wagan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-14-23-38-42.

GEMINI (May 21- June 20) - Lumala­bis ang tiwala mo sa iyong sarili. Mag-ingat ka dahil ang anumang sobra ay hindi maganda. Ang payo para sa iyo ay balikan mo ang iyong masasaklap na kabiguan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-25-30-45-46.

CANCER (June 21- July 22) - Kapag may kumon­tra sa iyo, li­him kang matuwa dahil bago ihulog sa iyo ang ma­laking suwerte ay may su­malungat muna sa gus­to mo. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-18-22-24-35-38-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nakagugulat ang mga ka­ganapan sa iyong buhay. Ang malala­king pangarap mo ay mas palalakihin mo pa. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran ngayon. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-21-25-34-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ilabas mo ang iyong lakas ng loob. Ga­mitin mo ito sa pagpapa­rami ng kabuhayan. Pero, huwag na huwag mo itong gaga­mitin sa pakikipag­re­lasyon na alam mong bawal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-15-24-38-41-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gusto ka ng taong umaasta na ayaw ka. Ito ang lihim ng iyong kapalaran ngayon. Para mapatunayan mo kung totoo ito, dikitan mo ang umaayaw sa iyo. Tiyak na tiyak na hindi siya lalayo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-15-25-31-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Hin­di ka madedehado kahit pa marami kang kakum­pitensiya sa negosyo dahil sa huli ay isa-isa rin silang magsisihinto. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-20-21-25-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Naka­alalay sa iyo ang langit kaya wala kang dapat ikabahala sa iyong mga proyekto na sa biglang tingin ay mahirap tapu­sin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-18-23-25-34-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Naka­ma­mangha ang iyong ka­pala­ran. May ilang mi­nama­liit ka, pero ang totoo, sila ay hanga sa iyo. Ayaw ni­lang tanggapin na mas maganda ang kata­ngian mo kaysa sa kanila. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-13-17-29-37-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mata­tanggal ang pagiging ma­pagmalaki ng taong kung umasta ay hawak niya ang mundo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lot­to-7-16-18-21-28-30.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mauna, haya­an mong pu­morma ang taong malakas ang loob. Siya ay mabibi­go at sa kabiguan niya, kumuha ka ng ideya at tiyak na hindi ka matutu­lad sa kanyang kinahi­nat­nan. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-16-19-21-25-34-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page